Bakit namamanhid ang mga paa o kamay ng may diabetes?

By in Diabetes on July 16, 2015

TE-Nervous system diagram
See page for author [CC BY 3.0], via Wikimedia Commons

 

Ang katawan natin ay maraming nerves – mga ugat na tumutuloy sa spinal cord at sa utak. Dahil sa mga nerves, nararamdaman natin kung may humawak sa ating balat o kung mainit ang ating nahawakan.

Ang mataas na blood sugar sa diabetes ay nakakasira ng mga nerve fibers. Ang tawag dito ay DIABETIC NEUROPATHY. Isa ito sa mga komplikasyon ng diabetes.

Depende kung anong mga nerves ang naapektuhan, iba’t ibang sintomas ang maaring maramdaman. PERIPHERAL NEUROPATHY o ang pagkasira ng mga nerves sa paa at kamay ang pinakamalimit na klase ng neuropathy sa diabetes. Madalas na mas matindi ang mga sintomas kapag gabi, tulad ng –

  1. Pagmamanhid o pangingimay
  2. Pagbawas ng pakiramdam sa sakit o mainit
  3. Parang kinukuryente o umiinit
  4. Parang tinutusok
  5. Pamimitig

Kapag nawalan ng pakiramdam ang mga paa o kamay, iyan ang nagiging daan upang magkasugat. Minsan nalalaman na lamang ng taong may diabetes na may sugat na pala siya sa paa kapag ito ay nangamoy na o may nana, dahil hindi niya ito naramdaman nang masugatan.  Ito ay puwedeng mauwi sa pagkaputol ng paa na kinatatakutan ng maraming tao na may diabetes.

Ang mga sintomas na nabanggit ay puwedeng hindi dahil sa nerve damage. Magpatingin sa doktor upang makasigurado.

 

 

 

Share

29 thoughts on “Bakit namamanhid ang mga paa o kamay ng may diabetes?

  1. SALLY CARDIÑO
    1

    Ok lang po ba uminom ng red wine o tequila ang may diabetes?

  2. 3

    Ano ho b pwedeng gzmot sa manhid na paa at ksmay , namumulikat png madalas ang binti ko. Umiinom ako ng b-complex wala p rin.

    • 4

      Kailangan po munang malaman kung ano ang cause nito. May iba’t ibang klase po ng neuropathy at ang vitamin B complex ay hindi nakakagaling ng neuropathy unless deficiency ng vitamin B ang dahilan nito.

  3. Elaine Garcia
    5

    sobrang nangangati buong katawan ko ksama pati private part ko at namamantal kapag kinakamot ko sintomas po ba na may diabetes ako.May history po kmi ng Diabetes.Mama ko may diabates.

    • 6

      Puwede pong symptom ng diabetes ang pangangati. Sana po ay magpacheck kayo ng fasting blood sugar (FBS) para malaman kung may diabetes.

  4. 7

    My diabetes na po ako 3 years ago. Ngaun po nkakaramdam na ako ng masakit likod ko para akong my trangkaso. Pangangati ng katawan. Anu po kya maganda ko gawin para maiwasan ang pagtaas ng sugar ko.

    • 8

      Diet, exercise at tamang gamot po para ma-maintain na normal ang blood sugar. Regular follow up po sa doktor para mabantayan.

  5. Yolly Remolacio
    9

    Namamanhid po ang daliri ko sa paa at namamanhid po ang mga daliri ko sa kamay. Meron na po kaya akong diabetea?

    • 10

      Ang pamamanhid ng daliri ay puwedeng sintomas ng diabetes pero kailangan po ng fasting blood sugar para malaman kung may diabetes nga po.

  6. 11

    yong mother ko po ay ganun sa mga sintomas paano po ito mababwasan o malunasan dok?

    • 12

      Kung may diabetes po siya, dapat po sana ay mapanatiling malapit sa normal level ang blood sugar para maibsan ang sintomas.

  7. albert moroscallo
    13

    ano po bang gamot para sa pamamanhid ng paa..hinde ako mkatlog paggabe kc parang mapalaging tinusok2x yung paa ko

    • 14

      Depende po sa dahilan ng pamamanhid. Kung dahil po sa diabetes ay dapat ito ang ayusin para po mabawasan ang sintomas.

  8. 15

    Hello..
    Buntis po ako… pero nkakaranas po ako ng pamamanhid ng kamay.. lalo na po sa Gabi.. pagnakhiga ako wla along maramdaman pero tatlo or dalawang daliri lang po ung pamamanhid.. pakiramdam ko parang umiinit po… pagimamasahe mdyo natatanggal pero bumablik dn po nu po ung dahilan nun???

    • 16

      Pa check up po kayo sa neurologist. Puwede pong carpal tunnel syndrome na common po sa buntis.

  9. 17

    1 week n po mamamanhid ang kamay ko di na po nawawala at ang pinakakalmante lng siya yong parang tinutusok ng karayom ang dulo ng mga daliri ko .masakit po kapag nagtatagal pati sa mga joint nararamdaman ko po kapag tumitindi ang manhid. ano po kaya ang dahilan nito?

    • 18

      Sana po magpacheck po kayo ng fasting blood sugar para malaman kung dahil ba ito sa diabetes.

      • 19

        Magandang araw po Dokbru. nagpacheck po ako ng FBS at Pati n rin po ang Hb A1c test ok naman po lahat normal ang result.

  10. jerome renomeron
    20

    dok bru, knina nagpa urinalysis ako, may +1 sa protein at +4 sa sugar, may diabetes nba ako??

    • 21

      Dapat po negative ang sugar sa urinalysis. Kung +4 ang sugar sa ihi ay dapat magpacheck kaagad ng FASTING BLOOD SUGAR para maconfirm na may diabetes. Kasi po kapag more than 180 mg/dL na ang level ng blood sugar ay nagsisimula nang itapon ng katawan ang sobrang asukal sa ihi.

  11. Helen Jailon
    22

    Namamanhid po ang lamay ko sang doctor po ako magpapacheck up

  12. 24

    Doc, ang father ko po ay may diabetes, ang findings po s kanya ay may nana s luob ng binti nya, s ngyon po antibiotic ang gngamot s knya, nka confine n po sya ngyon, sbi po ng doctor pwde butasin tpos kunin ang nana, di po ba delikado un s my diabtes? Thanks po

    • 25

      Mas delikado po kasi minsan kung kumalat na ang impeksyon sa dugo. Ang tawag po dito ay sepsis at puwede po yung makamatay. Babantayan po ng doktor ang blood sugar ng pasyente para maghilom ang sugat.

  13. 26

    Dok bru my Diabetes po ang mama ko lgi nmamanhid paa nia at kamay ano po bang gmot dapat niang inumin ngtatake pa po xa ng gliclazide

    • 27

      Dapat po controlled ang blood sugar para maibsan ang pamamanhid. Kung namamanhid pa rin kahit controlled na po ang blood sugar, please ask your doctor po about medicines for NEUROPATHY.

  14. Frankcris baturiano
    28

    Ano pong sintomas o gamot sa pamamanhid at parng kenukuryente… Parng tinusok….
    Kapg mglakad po ako nangnginig…..

    • 29

      Kung may diabetes po ay kailangang controlled ang blood sugar para maibsan ang pamamanhid o kuryente na nararamdaman na puwedeng dahil sa diabetic neuropathy.

Leave a Reply to ed meneses Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.