Safe ba ang insulin para sa buntis?

By in Diabetes on July 11, 2015

Doc 4 months pregnant po aq nagpacheck up po aq at diabetic daw po aq Sabi ng doctor ngaun po pinag-iinsulin ako ask ko lng po kung safe po ba sa baby ang insulin natatakot po aq para sa baby ko.pls sana po matulungan nyo ko.salamat po

Ang insulin ay safe para sa buntis at sa batang nasa sinapupunan. Ang pancreas ay naglalabas ng insulin sa ating katawan. Ito ay isang hormone na nagpapababa ng blood sugar. Sa buntis na may diabetes, mayroong tinatawag na insulin resistance, kung saan mas maraming insulin ang kailangan upang bumaba ang blood sugar. Dahil dito, minsan nagmumungkahi ang doktor na magsimula ng insulin injection upang mapababa ang blood sugar ng isang buntis na may diabetes.

Ang mga tabletang gamot para sa diabetes ay hindi aprubado ng FDA para sa buntis. Kung minsan, maaaring magbigay ng Metformin sa buntis dahil may research na nagpatunay na ito ay hindi makakasama sa buntis at baby. Ganun pa man, hindi pa rin ito aprubado ng FDA kaya ito ay “off label use.”

Kung hindi mapapababa ang blood sugarĀ  ng isang babaeng buntis, puwedeng sobrang lumaki ang bata sa sinapupunan at mangailangan tuloy ng Cesarean section. Ang sobrang taas ng blood sugar sa buntis ay maari ring magdulot ng stillbirth o pagkamatay ng bata, paninilaw (jaundice) ng bata at hirap sa paghinga. Puwede ring bumagsak ang blood sugar ng bata pagkaluwal nito. Dahil dito, mahalaga na maisa-ayos ang blood sugar ng buntis bago ito manganak.

Share

2 thoughts on “Safe ba ang insulin para sa buntis?

  1. Rosette Cervantes
    1

    Dok gud pm po,,pede po bang uminom ng food supplement ang isang buntis na nag-iinsulin??ang ing. po ng food supplement na ito ay,,buah merah,barley,white grass,mangosteen,moringa, at guyabano..maganda daw po kc ito sa may gestational daibetic,,salamat po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.