Gamot Para Sa Goiter

By in Goiter (Bosyo) on July 9, 2015

Doc!.. ano po pwdeng gamot pra sa may GOITER.

Maraming puwedeng dahilan para ang thyroid ay lumaki at maging goiter.

Iodine deficiency. Kakulangan sa iodine

Graves’ disease. May goiter at lumuluwa rin ang mata. Sobra sa thyroid hormone.
Proptosis and lid retraction from Graves' Disease

By Jonathan Trobe, M.D. – University of Michigan Kellogg Eye Center (The Eyes Have It) [CC BY 3.0], via Wikimedia Commons

Hypothyroidism. Kakulangan ng thyroid hormone.

Multinodular goiter. O goiter na maraming bukol sa loob.

Thyroid cancer. 

 

Ang gamot na binibigay ay naaayon sa kung anong klaseng goiter ang mayroon ka. Kung maliit lamang ang goiter at depende sa inyong doktor, maari ring obserbahan lamang ang goiter at walang gamot na kailangang inumin.

Ang mga posibleng gamot depende sa klase ng goiter –

  • Levothyroxine kung kulang sa thyroid hormone
  • Methimazole, PTU, Carbimazole o Thiamazole kung sobra sa thyroid hormone
  • Opera para tanggalin ang goiter
  • Radioactive iodine. Gamot na iniinom sa ospital upang matunaw ang thyroid.

Sumangguni sa doktor upang malaman ano ang nararapat na gamot.

 

 

Share

207 thoughts on “Gamot Para Sa Goiter

  1. Glovina perales
    1

    Tnx dahil na open q itong website nio..May goiter po aq pero NSA loob Anu po ba ag gamot na pwd skn. Tnx po

    • 2

      Bawal po kasi akong mag-prescribe ng gamot dito dahil hindi ko naman po kayo pasyente. Sana po magpatingin po kayo sa isang endocrinologist.

      • 3

        Dok tanong ko lang po gamot din po sa goiter ang eroticoxib xibra-90 ?

      • 5

        Doc may kapatid po ako na may toxic goiter may mga bukol sa paa na tumutubo tapos lumaki ang mata nya sabi daw po ng doc ooperahan pero natatakot sya dahil bka daw po mapaiksi lng buhay nya sabi nmin sundin nya kng anung payo ng doc nya pero takot po sya at saka po doc mayrong syang heart failure anu po ba magandang gawin doc? Maraming salamat po.

        • 6

          Liban po sa operasyon, puwede rin po ang radioactive iodine (RAI) sa toxic goiter. Kaya lang case to case basis po ito so kailangan po itanong ninyo sa inyong doktor kung puwede po ito para sa kapatid ninyo.

      • 7

        gud am doc, ask lang po magkano po mag pa-opera ng goiter?

        • 8

          Depende po kasi kung sino ang mag-oopera at kung saang hospital at kung gaano kalaki ang goiter pero puwedeng umabot ng 60-80 thousand po.

      • Maria lanie valensona
        9

        Hi po doc mgtatanong lng po. Kaoopera q lng po s thyriod 2 po tngal skn sbi po ng doc mg mamatenance n po aq ng gamot. Pwde prn po b mgtake ng pills.

    • 11

      Nagpalaboratory po ako ito po yung result.yung TSH 0.11 ulU/ml yung FT4 24.08 pmol/l yung FT3 7.64 pmol/l . tapos po buntis po ako going to 5months.asked ko lang po kung may epekto po ba to sa baby ko?at kung ano po pwede ko igamot.salamat po 🙂

      • 12

        Please see a doctor kasi po kailangan ng close monitoring para po dito dahil kayo ay buntis. Pagkapanganak ay may newborn screening po. Kasama po sa test na ito malalaman kung may problema din sa thyroid ang baby ninyo.

        • 13

          Dok may hypo thyroid po ako.
          Pinag ct scan po ako Ng Doctor. Nang nilagay NA po ako Sa ct scan Hindi KO po naalis ANG bra KO. Yong bra po may metal po. Makakasama po ba Sa kalusugan KO yong metal. May chance po ba NA magka cancer ako dahil Sa bra. Sa neck Lang naman daw po ANG check Ng ct scan sakin.

  2. Norielyn Merlan
    15

    Dok my goiter po aq ang iniinom q po gmot ay methimazole at propranolol pero khit wla p poh aq 1 month umiinom nito prang npansin q poh n lalo p ito lumaki…Tlga po bng ganun..Dok kelangan q po ng tulong nyo..

  3. 17

    doc, ask ko lng po kung ano dapat kong gawin kc po. me nodular non toxic goiter po ako wala din po kc aq peraf or biopsy and test for tf4 tf3 meron po ba ako dapat itake para lng po di na lumaki ang goiter ko tnx doc….wala naman po akong sintomas na nararamdaman feeling normal parin naman po ako

    • 18

      Kung nontoxic po ay puwedeng i-observe po. Puwede pong magpa-ultrasound every 6 months para mabantayan kung lumalaki po ang bukol sa thyroid.

  4. Maricel borcelis
    19

    Doc anung pu pwde ku inumin para sa goiter ku lmlbas lng pu goiter ku pg hndi na pu aku buntis tas bigla pu aku nun pmpyat ng sobra

    • 20

      Magpatingin po kayo sa doktor kasi po yung goiter na nakakapayat ay TOXIC goiter. Kailangan pong makita ng doktor para malunasan.

  5. charity b. del mundo
    21

    Nawawalan po ako ng boses pg ngsasalita ako. Isa po ako teacher. Ngpatingin po ako sa doctor SBI po my polyp DW. Kailangan DW operahan. Ngp,second opinion ako sa iba doctor sa PGH SBI po wla sla nkikita polyp. Kya d NLA ako mresetahan ng gamot. Sinubukan KO po sa albularyo SBI po s akin goiter DW n nanloloob. PKI,advice po kng ano dpat KO gawin.

    • 22

      Nag-check po ba ng thyroid hormones sa PGH? Yun pong TSH, T4 at T3. Puwede po kayong bumalik sa PGH at magpatingin sa Thyroid Clinic – tuwing Huwebes ng umaga at Miyerkules ng hapon po ito.

  6. 23

    dok tanong ko lng po ano b ang mga possible na gamot kpag nsa loob ang goiter

    • 24

      Ang ibig sabihin po ba ninyo ay toxic goiter o hyperthyroidism? Methimazole, PTU, Carbimazole, Thiamazole ang mga gamot na nirereseta ng doktor para dito.

  7. 25

    Gdpm doc my goiter po ako lumalaki npo xa nag p check up po ako sbi opetahan dw po ako..tanung q lang po my ganot pa po b na pang patunaw kahit malaki n po ang goiter q?

    • 26

      Kung ang size ng thyroid nodule ninyo ay 4 cm pataas ay mas magandang ipa-opera ito. Minsan naman po mas maliit dito ang sukat pero may hitsura po sa ultrasound na baka cancerous kaya po pinapatanggal din. At lalo na po kung na-biopsy at cancerous po talaga.

    • 27

      gdpm.doc now po aq ulit nag pa check up ung biopsy q po 12x8x1 cm soft,po xa.s ultrasound po 6.7×10.1cm whole right thyroid,left thyroid lobe 4.0×2.6×1.7cm hypoechoic with hypoechoic rim 3.1×1.9×1.2cm,TSH 2.33 xa.us q lang doc pwede q pa pba inhuman ng levothyroxine?

  8. 28

    May goiter po ako pero di pa po ako nagpapacheck up . Dati maliit lang po ito pero nung after ko manganak lumalaki po malulunasan pa po ba to ? maari po bang mawala ?

    • 29

      Lumalaki po kasi ang goiter talaga kapag nagbubuntis. Kaya nga po madalas sisihin ang pag-ire sa panganganak na dahilan kung bakit nagkaka-goiter ngunit hindi po ito totoo. Mas mainam po sana ay magpa-check up kayo. Hindi naman po lahat ng goiter ay kailangang operahan o gamutin. May mga goiter po na puwedeng i-observe lamang.

  9. 30

    dr bru may toxic goiter p ako,ininom ko po dati ,tapasole,ngaun tapdin,lagi po ako hinihingal,nag papatingin din po aq s puso,bngay po sken,coralan,gamot po pra saan din un,

    • 31

      Ang Coralan ay brand name ng gamot na ivabradine. Gamot po ito para sa heart failure. Pinapabagal po nito ang pagtibok ng puso para hindi po kayo masyadong hingalin.

  10. 32

    Meron po bang mga halamang gamot para sa goiter?

  11. Christine Abanilla
    34

    Hello po my npansin po aq bukol leeg q.goiter po b ito? Kapapanganak ko po.cs po.nung buntis naman po aq mhlg po aq s hpon,alimango at isda.

    • 35

      Kung lumulunok po ba kayo ay nag-aakyat baba ang bukol – puwede po itong goiter kung ganoon. Mas mabuti pong magpatingin sa doktor para makasiguro.

  12. RIOLYN FERNANDEZ
    36

    Dok meron din po akong nakitang bukol sa leeg posible po ba itong goiter? ano po ba ang pwedeng gamot, lagi po akong hinihingal, at lagi po akong kinakabahan.

    • 37

      Sana magpacheck po muna kayo ng thyroid function tests: T4 and TSH at dalhin sa doktor. Magkaiba po kasi ang gamutan – depende kung HYPER or HYPOthyroid.

  13. RIOLYN S. FERNANDEZ
    38

    Dok meron po akong nakitang bukol sa leeg q posible po ba na ito ay goiter? ano po ang pwedeng gamot para dito? lagi po kasi akong kinakabahan at nahihirapan po akong lumunok

    • 39

      Mabuti po ang magpatingin sa doktor. Marami po kasing laman ang leeg at hindi lang po thyroid ang puwedeng magkabukol.

  14. 40

    Hi doc anu po ba ang kaibhan sa hypertyroidsm at hypotyroidsm..my hypertyroidsm po ako ok ba kumain ng mga sea foods..tnks..

  15. 44

    doc bru. my goiter ako sa kanan sumasakit pero dnman sya malaki…nagaalala ako bka cancer ito

    • 45

      The only way para malaman kung cancerous po ang isang thyroid nodule o bukol sa thyroid ay ipa-fine needle aspiration biopsy po ito.

      • 46

        doc…PRA po akong sinasakal…nhirapn po KO huminga…pro d nmn po msakit lumunok..goiter po b ito?

        • 47

          Para po makaramdam ng pananakal at hirap sa paghinga nang dahil sa goiter, dapat po malaki na ang leeg. Please see your doctor dahil baka may iba pong dahilan.

  16. 48

    gud am po… may toxic goiter po ako..yung parang butterfly ang hugis sa leeg… may mabisang gamot po na para mawala po itu? ptu lang po kasi ininom ko nuon…

    • 49

      So hindi po na po kayo umiinom ng PTU? Dapat po sana magpa-check ulit ng T4, TSH at dalhin sa doktor para malaman kung kailangan pang mag PTU ulit.

  17. 50

    Doc my goiter po ako…nsa right side ko po…medjo lmlaki npo ang goiter ko ….dati po 1months ako umiinom ng mga herbals…ano po pdeng gmot ang mkkpgpgaling

    • 51

      Malalaman po ang tamang gamot kung alam po muna natin anong klaseng goiter ‘yan. Please consult an endocrinologist para po magawa ang mga tests para malaman kung TOXIC or NONTOXIC goiter po ‘yan.

  18. 52

    Doc. Paano po ba malaman kung lumakI na ang mata mo dahil sa goiter.

    • 53

      Parang nakaluwa po ang mata, yung parang gulat. Nakikita na po ang puti ng mata either sa ibabaw o ilalim na talukap ng mata.

  19. sherylhernandez
    54

    Doc ask ko lang po dati po may thyroid prob.po aq at nag pacheck up po aq sa center nmin nuon ang hintol po sakin ay PTU.tapos po mdalas aq ninenerbyos after half year po nag pacheck up nman po aq sa endocrist ang sabi po sakin itigil kona daw po ang pag inum ng ptu at wala naman daw po aqng goiter 2010 po yun til now po ndi n aq umiinum ng ptu.pero bkit po parang laging nkaumbok ang dila ko sa may bandang llmunan at madalas po aqng hinihingal.para din po aqng nabubulunan anu po kaya ito..at bumabalik po ba ang tyroid prob kung meron man nito.tnx po.

    • 55

      Puwede pong bumalik ang hyperthyroidism at toxic goiter. Puwede po kayong magpacheck ulit ng T4, TSH at magbalik sa inyong doktor for follow up.

  20. 56

    Good morning Doc nagpacheck na po ako
    May bingay pong gamot PTU/tablet tas Laboratory naFt4 , TSH , tska SGPT /ALT tas uLtrasound
    Yun nga lang po wla pa po akong pera para dun
    Pwd po bang hnd na ko magpalaboratory at magpaultrasound ? tas inumin ko na lang ung gamot na niresita skn ?
    maari po ba itong lumiit pag nagtake ako ng gamot ?

  21. snooky abarico
    57

    doc may goiter po ako matagal na po ito ,may gamot din po ako iniinum eltroxin,doc para san po ung gamot na iniinum ko.hindi nman po sya lumalaki

    • 58

      Nung nireseta po ng doktor ang Eltroxin, sinabi po ba niya na panghabang buhay na ang inom? Ganun po kasi kung hypothyroid o kulang sa thyroid hormones. Pero minsan po ay nirereseta ito kung sinusubukang paliitin ang goiter. Kung hindi po liliit, ay baka magdesisyon po ang doktor na huwag nang ituloy ang Eltroxin.

  22. 59

    Gud pm po doc. My diffuse non toxic goiter po ako since 2013.. wla nmn po bngay n gmot skin nun, observe lang dw. Then llast yr po, pngtake po ako ng levothyroxine for 3mos. Ngaun po prang lalo po lumaki ung leeg ko. Pls help.. normal p din po ung thyroid function ko. Ano po dpt ko gawin? Mejo halata n po kc sa leeg ko at nbbother po ako kc plagi pong nkhrap s tao ang nature ng trabaho ko.. kramihan po ng endoc dto s cvite npunthan ko na po.. pls help me. Thank u.

    • 60

      Yung pag-inom po kasi ng levo-thyroxine para sa diffuse nontoxic goiter ang success rate ay 40% lamang. Kaya po kung hindi siya lumiliit dito ang next step po ay operasyon.

  23. Benjamin Tolentino, Jr.
    61

    Doc saan po kayo matatagpuan o saan po ang clinic niyo. Salamat

  24. magdalena saupan
    63

    Doc my goiter po ako ngpa blod test at utrasound n ako sbi po ng doctor ko mababa dw tsh ko klangan ko p dw po mgpascan..pg goiter n po tlga wla n po b ng pwd ireseta medicine klangan po b n ipatanggal nlng?

    • 64

      Depende po kung anong klaseng goiter. Baka kaya po kayo pinapa-scan para malaman kung anong klaseng goiter po – toxic or nontoxic.

  25. 65

    Gud pm po doc my goiter dn po ako euthyrox 100mg po take ko 30minutes bfore bfast gang kelan po kaya ako iinun nito..thks po

    • 66

      Depende po sa reason bakit po nireseta ng doktor ang gamot. Ito po ba ay para sa hypothyroidism – kung gayon maintenance na po. Kung para paliitin ang goiter, ino-observe po kasi ng doktor muna kung lumiliit ang goiter para maka-decide kung itutuloy pa ba ang gamot o hindi na.

  26. 67

    Doc.good pm po…mula po nun bata ako mejo Malaki na leeg ko..then Ngaun Sabi po nun ibang nakakakita goiter daw po..dati po Wala nmn po akong nararamdaman..Pero mula po nun December 2015 pakiramdam ko po parang mejo sinasakal ako un un LNG po nararamdaman ko…at Ngaun po parang maslumaki leeg ko Pero pagpumapayat ako lumiliit rin po..goiter po Kaya Eto??

    • 68

      Mas mainam po ay magpacheck up sa doktor. Ang mga tests na puwede pong gawin ng doktor ay neck ultrasound at blood test na T4, TSH.

  27. 69

    Gud pm po doc euthyrox 100mg na po take ko bfore breakfast ask ko lng doc ang ganitong klaseng goiter matagal ba ang pag liit

  28. 71

    Doc tanong ko lang po. Kapag po ba nagbuntis ka tapos meron ka palang goiter, ung baby po ba magiging normal parin po. I mean wala po kapansanan? Masama po ba magbuntis kapag may goiter? Tnx po

    • 72

      Kung nontoxic goiter po ay wala pong kailangang alalahanin sa pagbubuntis. Kung toxic goiter naman po, may mga gamot para dito na hindi puwede sa buntis kaya sana ipagbigay alam muna sa doktor kung may balak magbuntis para maisa-ayos ang gamot. Pagkatapos manganak ay may newborn screening para sa bata kaya malalaman naman po agad kung may thyroid problem din si baby.

  29. 73

    Doc bru tanung ko lang po ulit. Panu po malalaman kung toxic o non toxic po ung goiter, anu po mga senyales? Kc po ung leeg ko po medyo lumalaki po kahit umiinum na po ako gamot.. Masama po ba kung palabas ang goiter o paloob po?tnx po.

  30. 74

    Gamot po ba s goiter ang gamot n mangostine para nd lalo lumaki ang bukol

  31. 76

    Doc pag binegn ang result ano ibig sabihin nun?

  32. klienth jean rocha cawayan
    78

    hi po…doc ung mother ko po may goiter po sya lumuluwa din po ung mata nya namamana po ba ung goiter at sa tingin nyo po magkano po ung gamot don.. salamat po..

    • 79

      Puwede pong mamana ang goiter. Ang presyo po ng gamutan ay depende kung tableta lamang, RAI or surgery ang gagawin.

  33. 80

    Doc paghyperthyrodism maari po bang lumiit ung goiter pagnagtake ng gamot ?

    • 81

      Puwede pong lumiit, puwedeng hindi. Ang gamot po kasi sa hyperthyroidism ay para maging normal ang T4 at hindi talaga para paliitin ang thyroid.

  34. 82

    Doc panu mo malalaman kung ang goiter ay labas o nasa loob doc?

    • 83

      Do you mean paano malaman kung toxic o nontoxic goiter? Kailangan pong magpagawa ng thyroid hormone test – TSH, T4, T3.

  35. 84

    Doc result po ng tsh ko 0.1 ulU/ml – reference value 0.4 – 6.0 ulU/ml

    Ft4 result 2.1 ng/dl , reference value 0.8- 2.0 ng/dl..

    Panu po yan doc?

    • 85

      Ang pag-interpret po ng lab result ay kailangang makita at maeksamen rin ang pasyente. Please bring your results to your doctor.

  36. 86

    Dok.masakit po ang dib2x ko. At pG lumonok ako parang may naka bara sa lalamunan ko. May goiter po b ako

    • 87

      Puwede po kayong magpa thyroid ultrasound at dalhin ang resulta sa inyong doktor para malaman.

  37. melissa silvestre
    88

    Dok bru ito po b ay sintomas ng goiter..plgi po sumsakit ang dibdib ko at pra po akong nbubulunan kpg kumakain..kpg lumulunok po prng my sumasabit s lalamunan ko..at feeling ko po mnsan pra bng my gerd ako balak ko po sna mgpcheck up jn s pgh kso wla p po ako pera..pnu po b mgp sched s inyo at mgknu kya mgagastos ko? Pls help po nababother npo ako kakaisip kng anu to.

    • 89

      Kung wala pong pera ay puwede pong magpakonsulta sa PGH Outpatient Department nang libre sa Thyroid Clinic. Ang mga endocrine fellows po doon ay mga students ko. Ang Thyroid Clinic ay tuwing Wednesday ng hapon at Thursday morning sa rm 215 to 216.

  38. 90

    Doc pag po ba may goiter, pag palagi nagsasalita o sumisigaw ay nabanat tlga ang lalamunan o parang ngalay po.

    • 91

      Ang goiter po ay nakapatong sa windpipe kung saan humihinga. Nasa loob ng windpipe ang vocal cords na ginagamit para magsalita. Magkatabi ang goiter at windpipe baka kaya po may ganyan kayong nararamdaman. Mas maiging magpatingin pa rin po sa doktor para makasigurado.

  39. 92

    doc namamana po ba ang goiter

    • 93

      Puwede pong mamana ang goiter. Pero meron din po kaming mga pasyente na wala kaming ma-trace na pinagmanahan.

  40. Rachelle hilao
    94

    Gd pm… doc magtatanung sna ko… kung pano malalaman kung my goiter sa loob ng lalamunan at ano po ang simtomas nito… kc po ung lalamunan ko hindi nman mskit pag lumunok… pra po kc nanunuyo ung lalamunan ko… tpos mdyo mskit lng ng kunti…

  41. 96

    ask ko.lang po . safe po bang uminom ng virgin coconut oil kapag buntis at meron kang goiter? ano po bang magiging epekto nito sa baby?

    • 97

      Wala po akong alam na scientific studies tungkol sa virgin coconut oil at buntis, kaya hindi ko po masagot ang tanong ninyo.

      • 98

        may nakapagsabi po sa akin na nanay na merong goiter. ang niresetahan ng doc. na uminom ng Virgin coconut oil. nung naipanganak nya po ang anak nya malusog ito at matalino. at sabi nya dahil ito sa ininom nyang VCO na mabibili sa mercury drug. hindi po ba masama kung magtatry din ako nun ? kahit na hindi pa ko nagpapa.konsulta sa kahit anong doc.? hindi ko din po kasi ako sigurado kung goiter nga ang nasa leeg ko po. at natatakot akong malaman na ito nga ay goiter. sa ngayon po ay 6months pregnant na ko.

  42. 99

    may nakapagsabi po sa akin na nanay na merong goiter. ang niresetahan ng doc. na uminom ng Virgin coconut oil. nung naipanganak nya po ang anak nya malusog ito at matalino. at sabi nya dahil ito sa ininom nyang VCO na mabibili sa mercury drug. hindi po ba masama kung magtatry din ako nun ? kahit na hindi pa ko nagpapa.konsulta sa kahit anong doc.? hindi ko din po kasi ako sigurado kung goiter nga ang nasa leeg ko po. at natatakot akong malaman na ito nga ay goiter. sa ngayon po ay 6months pregnant na ko.

  43. 100

    Dok ako po ay may goiter pero hindi pa naman malala. Kahit malala man o hindi dapat pong ipaopera. May thyroid gland lang po ako pero di pa lumalaki at di pa lumuluha ang mata ko. Ano po bang gamot para dito

    • 101

      Nakaluwa po ba ang mata kaya naluluha? Ganyan po kasi kapag hyperthyroid. Dapat po itanong po ninyo sa doktor ninyo kung hyperthyroid kayo.

  44. 102

    Hello po ask ko lang po anu po ba ung multilocular cysts thyroid nodule meron daw po kase akung cysts sa thyroid at multilocular gusto ko lang po na mas maliwanagan ang sukat nya at 15x20x21mm sbe po kase akn ng doktr wla dw gamot dto kundi ang tanggalin lang thank u

    • 103

      Ang cyst po kasi ay bukol na tubig ang laman. Kung multilocular ibig sabihin po parang may mga kuwarto sa loob ng bukol na may lamang tubig. Kung simple cyst po kasi ay isang kuwarto lang kaya kapag tinusok ay puwedeng sipsipin at tanggalin ang lahat ng tubig para lumiit ang bukol. Kung multilocular, mas mahirap po kasi bawat isang kuwarto kailangang tusukin. Ang operasyon po usually kung nakakasagabal na sa paghinga o paglunok o kung sa biopsy ay cancerous ang bukol.

      • 104

        Salamat po sa pag sagot , dlikado po ba ito lpag pnaopera nsa rigth side sya at nsa saudi dn po ako .. mbgal naman daw po ang pag lake last week nag paultrasound ako ang result ay 20.8x 15.3 nag iba po ang sukat parng lumiit sia ng kunti ok lang po na inuman ko ito ng herbal hindi po ba ito nakakasama salamat

  45. jaszen ramos
    105

    doc yanung ko lang po may bukol po ako sa leeg medyo lumalaki na din po hndi naman po ako mahirap lumunok hndi rin po sumasakit yung lalamunan ko posibilidad po bang maging goiter?

    • 106

      Marami pong sanhi ng bukol sa leeg at hindi lang goiter. Mas maige po magpa-eksamen sa doktor para makapa ang leeg at malaman.

  46. 107

    Doc ung Pamangkin KO po may goiter sabi po ng doc again pa biopsy po wala naman kami pera po ano po sign ng canser

    • 108

      Kaya po kailangan ng biopsy kasi yan lang po ang paraan para malaman kung may cancer sa thyroid. Sa PGH OPD charity ay P500 lang po ang biopsy. Sa private po kasi P2000 pataas na.

  47. 109

    Doc Pamangkin KO po may goiter ano po sign ng may canser

  48. Jewell Anne Laqui
    111

    Bumabalik po ba ang mata sa normal kapag gumaling na yung hyperthyroidism?

    • 112

      Minsan po oo, minsan din po hindi. Hindi po kasi sabay ang paggaling ng mata at ng hyperthyroidism. May cases pa nga po na nauunang lumuwa ang mata kahit normal pa ang thyroid function.

      • Jewell Anne Laqui
        113

        Bakit po ganun Doc? Yung isang mata lang kase yung parang lumuluwa ang hirap pa po singkit kase ako. Doc… Ano po kayang pwedeng gawin.. Kahit po magpatanggal ng thyroid gland or patunaw, di pa rin babalik sa dati?

        • vilma erjas pernada
          114

          docbru…nagpatingin na po ako sa doctor ang findings po nila ay thyroid nodules saka may maliliit po daw na bukol sa loob peru sbi po ng doctor benign po ano po ibig sbihin ng benign docbru nontoxic ba…bale 5yrs na po tung thyroid gland nsa 6cm na po ..ano po ang dapat kung gawin docbru

          • 115

            Ang benign po ibig sabihin hindi cancer – nalalaman po ito sa pamamagitan ng biopsy.

  49. 116

    gud pm po 3 years na po yung thyroid guiter ko d nman po lumalaki..at nagpapacheck po ako every 3 months para daw ma obserbahan ang thyroid qu yung iniinom ko po dati inderal,tapazole at tapdin ngayon ..ah tanong ko lng po dok bru ksi knina pa po at hanggang ngayon kumikirot ang puso qu..dahil po ba Ito sa thyroid guiter qu?

    • 117

      Puwede pong related, puwede rin pong hindi. Kung hyperthyroid po kasi mabilis ang tibok ng puso pero sabi po ninyo ay umiinom naman kayo ng gamot. Mag follow up po sa doktor para mas maimbestigahan.

  50. roxanne kaharian
    118

    14 weeks po ako buntis.. Ang result nang lab ko FT4 18.46 at TSH 0.208.. Niresetahan ako nang Propranolol sa tuwing may kaba lang at PTU.. Gaano ka safe para sa baby ko kung mag take ako nyan PTU? At tama po bang 2x/day ang inom? After 2months ang balik ko sa doctor,ibig sabihin 2months ko din iinumin yun PTU? Angsabi nang ob ko,hindi pa naman symptomatic. Dapat na po ba ako uminom?

  51. 120

    Doc, magtatanong po sana ako sa inyo…. may toxic goiter po ako at lumuluwa po ang mga mata ko, at nag tremors po ako…. lagas ang buhok…. naging pangit po ako! At lose weight din po ako khit ang lakas kung kumain… hinihingal po ako, butterfly shape po ang bukol left and right po sa leeg ko…. lumalaki po kc ito dhil matagal na akong nag stop sa pag inum ng PTU. at almost 8yrs na po iti doc. Feeling ko ang bukol sa right side ng keeg ko umaabot na sa may pumitik po dito sa leeg natin…. ask ko lang po my posibilidad bang kya itong tunawin ng gamot…. toxic goiter, hyperthyroidsm ma ooperahan ba doc? Kung ang tao bang my thryoid cancer doc mamatay na ba.? Magkaka cancer kya ako sa 8yrs na walang gamot na iniinom ko…. at patuloy ang paglaki ng bukol sa leeg ko? Asap po doc. Pki sagot po nasa UAE po kc ako mhirap magpagamot dto. Salamat po

    • 121

      Kung toxic goiter po ay rare na ito ay maging cancer. Kailangan pong uminom ng gamot para magnormal ang thyroid hormones at kapag normal na ito ay saka pa lang puwedeng operahin o tunawin sa pamamagitan ng radioactive iodine (RAI).

      • 122

        Magkano po ang RAI doc? Pwede ba kitang pupuntahan sa PGH ngaun july po…… pwede pa kya ako maka balik dto sa labas kahit my ganito or mag dala lang ako ng gamot para dito doc ung galing sa doctor…..iba2 na kc ang herbak na iniinom ko dok hangga ngaun walang pagbbgo! …alin po ang the best operasyon or RAI.? O kailangan po ba ang magpa opera ng thyroid kailangan din mag undergo ng RAI? Asap po dok thanks

  52. maribel valiente
    123

    doc bakit oo ganun, nag pa baruim swallow po aq pero wala nakita bukol sa lalamunan q, pero hirap p din po aqng huminga at parang may namamaga sa may gilid ng lalamunan q, ano oo kaya ito

    • 124

      Please follow up with your doctor kung ano po ang next step. Kasi po series of tests ang ginagawa, kung negative ang isang test ay next test naman po kasi nga hinahanap po ang dahilan ng symptoms ninyo.

  53. 125

    smears shown benigh thyrocytes in cluster with associated hemosidederin-ladden macrophages set i a background of cracked colloid and blood. the cells are normocytic with normochromic nuclie containing fine granular chromatin. doc bru yan mo finding ng FNAB ko anu po ibig sabihi nyan makukuha pa po ba sa gamot sa ngayun po nainom ako ng buah merah marami po kasi nagsabi na pwedeng matunaw pa ang bukol salamat po….

    • 126

      Hindi po ako nagre-recommend ng kahit na anong supplement pangtunaw ng bukol sa thyroid dahil wala pa po itong scientific evidence. Please follow up po sa doktor for monitoring. Kung benign po ang bukol ay every 6 months ultrasound. Pero kung ang bukol po ay malaki ay puwede rin pong i-recommend ng doctor na ipa-opera ito dahil less accurate po ang results ng biopsy pag malaki na ang bukol.

  54. 127

    Gud pm po dok Bru.. Nagpcheck po ako trace po n may goiter ako tpus ngpa ultra sound din po ako at ngpblood test po at result t3 8.0 tpus Yuan t4 18.9 .. Malalaman po sa kung sa result ko yun toxic o non toxic Yuan goiter ko?

    • 128

      Opo, kaya dapat ipa-interpret po ninyo ang blood test at ultrasound sa doktor para maipaliwanag sa inyo.

  55. 129

    Dok may goiter po ako dalikado po ba ang may goiter toxic.. Yun result ko po kc sa blood test high po daw yun t3 at t4 ko.

  56. 131

    Doc,tanong ko lang po bukod sa consultation nyo libre sa pgh. U pagpapa labtest etc. Pwd gawin at sagot ba ng pasyente na

    • 132

      Ang consultation po sa akin sa PGH FMAB ay may bayad. Libre po ang konsulta kung sa PGH charity kung saan ang mga endocrine fellows – mga students ko – ang tumitingin ng pasyente. Ang labs po sa PGH charity ay discounted.

  57. 133

    meron po ako thairoyd goiter 13 palang po ako..

  58. 135

    Ask ko lang po kung goiter po ba itong biglang tumubo sa leeg ko.sa baba po ng adams apple sa leftside.inubo lang po ako ng ilang araw at ramdam ko po na napakaraming plema sa lalamunan ko.medyo masakit po sya at parang namamanhid ang kalahating leeg ko sabay ng balikat sa kaliwa masakit din.10days palang po ito ngayun.la napo akong ubo pero ramdam ko maplema ako kya dumadahak ako medyo masakit sa leftside ng leeg ko po.

    • 136

      Kung goiter po ibig sabihin ang bukol ay nasa loob ng thyroid gland. Kapag lumunok po kayo, ang bukol ay aakyat at bababa kasabay ng paglunok. Kung hindi po gagalaw ang bukol, ay wala po ito sa loob ng thyroid gland at hindi ito goiter. Mas mabuti pong magpatingin sa doktor para makasiguro.

  59. 137

    morning po doc ako po ay may goiter din doc parang kasing laki yata ng ilog ng manok? doc ano po ba ang gamot na di ako maoperahan? kasi takot po ako sa opera? at kumakanta po ako sabi nila pag naoperahan ako dina ako makakanta? doc gusto ko sana magamot ang goiter ko pera ayaw ko ng opera may ibang paraan po doc? gusto ko sana magsadya sa clic niyo doc baka sakali mabigyan niyo po ako ng tamang gamot wala naman po problema kong magkaano po? basta ayaw ko lang po maoperahan 41 yaers old na po ako at ayaw ko magpaopera…paki email lang po doc ang clic niyo at sayo ako mag papakunsolta?punta po ako sa clic niyo? ito po doc ang email ko po? anitaqlobino@gmail.com

    • 138

      Please schedule an appointment with my secretary Mel at 09167988709. Yung opera po kasi ay kailangan kung malaki na po ang bukol or kahit maliit kung cancerous po. Kung ooperahan ay dapat po magaling ang doktor para hindi po mawalan ng boses – rare naman po itong mangyari.

  60. 139

    Dok bru,ngpacheck up po ko s doktor ang sbi poh my goitrer po daw ko pero poh gsto ko pong makasiguro kung ung pong simtomas n nangyayari skin eh konectado po s skit ko,my tym po kc n pra kong laging kinakabahan n laging akala mo natatakot na nanlalamig n nginginig ang kalamnan d di ko maipaliwag if anu b tlg,tas mdlas kong di mkatulog at pagnakahiga ko prang akala mo nalulula ang dibdib ko na di ko maintindihan na minsan prang kong balisa na may tym p n hirap kong huminga na naninikip ung dibdib s kabog ng dibdib ko

    • 140

      Please discuss this with your doctor po. Kung HYPERthyroidism ay minsan po may palpitations – malakas ang kabog ng dibdib o mabilis ang pintig ng puso. Kapag mabilis po ang pintig ng puso ay puwede pong sumikip ang dibdib.

  61. ria salamat
    141

    doc may libre po bang operasyon sa mga goverment hospital para sa goiter?

    • 142

      Kung may thyroid mission po ay libre ang operasyon. May Philhealth ward po sa Philippine General Hospital kung saan puwedeng gamitin din ang Philhealth benefits para magpa-opera. Kung sa charity ward po ng ospital, wala pong bayad ang doktor na mag-oopera pero may mga gastusin para sa mga gamot at pangangailangan sa operasyon.

      • ria salamat
        143

        anong araw po ba pwede magpa consult sa pgh regarding po sa status ng goiter at yung sa operation po? sino po ang contact name ng department at kung may cp # po para matawagan po bago pumunta.salamat po.

  62. 144

    Delikado po ba mag paopera ng multilucolar cysts sa my thyroid bfore kc ang size 21×20.x15 dec 2015 ultrasound ko po at nung april 21×15 at ntong june 20.3×15.3 lumiit po ba sia kc at ok lang po b na inuman ng herbal thank u

  63. 145

    Hello po, may itatanong lang po aq last week lang po namin nalaman na may diffuse toxic goiter po ako i’m 23 and as i read pp above 20 sa kababaihan ang nagkakaroon ng goiter kesa sa lalaki, ano po ba ibig sabihin ng diffuse toxic goiter? At last year po ay kakakasal ko lang at we want to have a baby ang nireseta po kc kasi skin ay ampimax 750mg explem600mg inderall 40mg tapazole20mg, dhil my pneumonia dn po ako dhl po siguro s sobrng init at natutuyuan ng pawis, naiisip po kasi namin na magpasecond opinion sa ibang doctor pati n dn po sa ob gyne to help us to have a baby, pero ano po ba ibig sabihn nung diffuse toxic goiter? Medyo nalilito po kasi ako at ano po ang healthy diet for that kind of goiter? Thankyou po doc,

    • 146

      Diffuse toxic goiter po ibig sabihin sobrang production ng thyroid hormones. Kapag kumain po ng mga pagkain na may iodine like seafoods mas dumadami po ang produksyon ng thyroid hormones kaya dapat po iwasan ito sa toxic goiter.

      • 147

        Doc ano pa po ba bawal na pagkain para sa diffuse toxic goiter, at ano ang mga dapat po kainin? Salamat po, sa ngayon po ay no red meat ako at seafoods, delikado po ba dn ang uri ng goiter na iyan? Salamat po ulit

  64. 148

    Nag aabroad po aq may enlarged thyroid gland dw po aq,, nag pa ultrasound po aq 12.4 dw po ung sukat ng laki nid po ba un operahan o pwede makuha sa gamot

    • 149

      Ano po yung 12.4 – centimeters po ba? Ang decision kung kailangan operahan ay kung sobrang laki na po ang goiter na nakakasagabal sa paghinga o paglunok, kung may bukol na cancerous o kahit hindi cancerous pero malaki na.

  65. 150

    Goodmorning doctor may bukol pp aku sa leeg pero maliit lang pero nag pa check up aku ng TSH at ag lumabas ay 0. 55 0.43~4.1 ulu/ml anu po ba ito

    • 151

      Please discuss with your doctor kung anong klaseng goiter po ba ito – nontoxic or toxic goiter. May previous posts na po ako about these na puwede ninyong basahin.

  66. 152

    Doc tanong ko lang po nag pa thyroid function test po ako dalawang beses na nung una po kasi hndi hndi pasok sa range yung TSH ko mataas po sya. kaya pinainom po ako ng levothyroxine for 1month. Tas nag pa thryroid function test po ulit ako nag normal na po ung TSH ko. Tas niresetahan po ulit ako ng levothyroxine for 2months daw po. Bakit ganun po? E diba po normal na ung TSH ko? Doc, pwede po bang kumain pako ng mga seafoods kahit umiinom na ko ng levothyroxine?

    • 153

      Kung mataas po ang TSH ibig sabihin ay hypothyroid kayo o kulang sa thyroid hormone. Ang levothyroxine po ay thyroid hormone. Kapag tinigil po ninyo ang thyroxine ay aakyat ulit ang TSH ninyo. Ok lang po kayong kumain ng seafoods.

  67. 154

    Dok mag kanu mag pa remove sa inyo ng cysts sa thyroid my philhealth po ako slamat po

    • 155

      Operasyon po sa thyroid, ang presyo ay depende po kung saang ospital at kung sinong doktor ang gagawa. Yes, covered din po ito ng Philhealth kaya nakakabawas sa gastusin.

  68. 156

    gud day po… may napansin po ako na parang may pumipintig po sa bandang lalamunan ko.. tapos umuubo din ako.. nagpaxray ako ng lungs ko okey naman.. pero ramdam ko minsan na kumikirot na parang may kuryente bandang lalamunan ko.. may goiter din po kaya ako.

  69. 158

    Dok saan po pwedi mag pa RAI? saan din po ang clinic nyo?

    • 159

      Meron po sa Philippine General Hospital. My clinic is at PGH FMAB. Text my secretary Mel for appointment 09167988709.

      • 160

        Magandang Araw po, tanong ko lang po kung normal po ba ito na nahihirapan po akong mabuntis. Dahil po ba to sa hyperthyroidism?

        • 161

          Marami pong posibleng dahilan na hindi mabuntis. Usually kung ginagamot na ang hyperthyroidism at normal na ang thyroid hormones ay kaya nang mabuntis unless may iba pa pong problema liban dito.

  70. Marissa Kervella
    162

    Hi po Dr. Bru ask ko lang po kung para saan ang Lanoxin?!may goiter po kasi Sister ko tapos mabilis din po tibok nang puso tapos po yung Lanoxin po yung ineriseta sa kanya at niresitahan din po sya ng Methimazole khit po dipa na eexamine ung goiter nia kung toxic ba or nun toxic!anu po ba ang dapat gawin ?at para po ba sa mabilis ba tibok ang Lanoxin???tnx po

  71. 164

    dog sumasakit po ang kaliwang leeg ko minsan po nawawala minsan naman hinde. at masakit po pag umiinum ako ng tubig pero pag pagkain po hnde. parang my 2mu2sog po sa loob. ano po ba ito goiter po ba 2?

    • 165

      Usually po hindi sumasakit ang goiter. Mas mabuti po magpatingin sa doktor para maeksamen ang leeg.

  72. 166

    Pwede po ba mag take ng glutha kung may goiter. Kung hindi po ano po ang dahilan

  73. 169

    ano po ibig sabihin ng Normal sized thyroid gland with parenchymal disease and bilateral lobe nodules

  74. 170

    Hi po doc my nkpansin po sv prang malaki dw po leeg ko e sa tingin ko nmn po parang hnd nmn.ita2nung ko lng po kung anu po ba ang sintomas ng may goiter?

    • 171

      Puwede pong walang sintomas, basta lang po may bukol sa leeg.

      • 172

        Anu po ba palatandaan ng bukol sa leeg na my goiter? Paano ko po ito maka2pa?

      • 175

        Hi poh doc. Ask ko lng poh anu po mabisang gamut ang pwd ko inumin my thyroid dn p o kc ako bakit po subrang payat ko na at wla po ak gana kumain saka po napansin ko pag bagong panganak ako lagi akong pumapayat nag pa check up napo ako at my bnigay nman n gamot skin thiamazole 10mg. Po ang bnigay skin bkit po almust 1month nako umiinom prang wla pong mganda result sakin ganun pa rin po ako mabilias ako kumilos at lagi ak hinihingal ang bilis ng Tibok ng puso ko at pawesin po ak madali rin po ako mapagod at ang pangit ko na po kasi subrang payat ko na. Panu po agad masulosiyon ang thyroid ko sana po matulongan nio ako doc salamat po

        • 176

          Follow up po kayo sa doktor kasi kailangan po nilang i-monitor ang T4 ninyo at i-adjust ang gamot kung kailangan.

  75. 177

    Hello po. Ask lng po kung cause po ng walang thyroid glang ang pananakit ng dibdib. Bali po naoperahan ako last july 27 2016 for total thyroidectomy (papillary ca) since then wla p po akong iniinom n gmot until now. My tsh result is 53.9310.

    • 178

      Please consult your doctor po. Kailangan pong uminom ng thyroid hormone replacement kung wala na pong thyroid na natira.

  76. 179

    hi doc gandang gabi..may toxic goiter po ako 12 years na po to.sabi ng doctor ko ipabiopsy ko dw..matanong ko lng po hindi ba dilikado sa bukol ang biopsy? kasi sabi ng iba baka dw mgka cancer kasi nabutas yung bukol..sana po masagot nyo tanong ko..

    • 180

      Ang karayom po na ginagamit ngayon sa pag-biopsy ng thyroid ay manipis at maliliit na po kaya po ang tawag ay FINE NEEDLE biopsy. Hindi po katulad noong araw na malalaki. Dahil po pino lang ang karayom ay safe po ito.

  77. 181

    Dok pede po bang mag buntis un may thyroid nodule. Cyst lang sya di po toxic o non toxic? Pede din po bang magpaopera kung buntis ka?

    • 182

      Puwede pong magbuntis ang may thyroid nodule lalo na kung nontoxic naman. Kung toxic po, dapat ay gamutin muna. Hindi po dapat magpa-opera kung buntis.

  78. 183

    nakakahawa po ba ang goiter?kami pong mag asawa ay nagkaroon ng sabay..naiisip ko po kasi n baka nahawaan ko siya

  79. 185

    Doc ask ko lng po kung pwede po bng magbuntis kung may goiter.

  80. 187

    Hi Dok, malapit npo ako mg 40.. until now wala pa po akong baby.. may Hypothyroidsm po ako.. umiinom din po ako ng gamot.. dok pwede pba ako mabuntis po?

    • 188

      Sana po magpatingin kayo sa OB-GYN na reproductive endocrinology ang specialty. Liban po kasi sa hypothyroidism ay dapat din po kasing i-check kung may iba pa kayong problema na nakakahadlang sa pagbubuntis.

  81. 189

    May tamang oras po ba ang paginom ng levothyroxine doc??cnabi lang po kc skin ng doctor ko nun na once a day lang DW po..nakalimutan ko po kc tanungin last time na nagpacheckup po ako..thank u

  82. 191

    Doc ano po ang mangyayari kapag nabuntis ang may hyperthyrodism??maari po b e2ng ikamatay ng ina or ng baby

    • 192

      Hindi naman po kung maalagaan nang mabuti. Kailangan pong magmonitor ng T4 kada buwan habang buntis para maayos ng doktor ang dose ng gamot para sa hyperthyroidism. May newborn screening din po kung saan ay malalaman kaagad kung may problema sa thyroid ang bata.

  83. 193

    good day! doc merong po bang gamot para sa lumaluwang mata? itong mata ko medyo lumuluwa na poh.mas lalo po ako pumangit..nung umiinum akong (atenlol) therablock) tumigil na yung midyo parang my duling tapos masakit po..pero yung pagluwa hindi nabawasan..ang hirap po daming tumitingin skn napapngitan na ata cla..wla naman po binigay na gamot para sa bukol ko.ngtest na po ng tsh at t4 wlang gamot na binigay.kilangan ko dw mgpa biopsy eh takot ako sa biopsy.at yung bukol ko sa loob lumalaki.sana po masagot ninyo.salmat po.!

  84. 194

    Good day po docbru
    ask ko Lang po nagpa biopsy po ako tapo Yong result po ay
    colloid cyst daw po itong bukol Sa leeg ko. Wala pong niereseta skin na gamot jn Sa pgh.at kailangan daw pong operahan.ano po ba ibigsabihin Ng colloid cyst? At bka meron kayong gamot na pwede ibigay skin.

    • 195

      Colloid cyst po ibig sabihin benign o hindi cancer ang bukol. Kung opera po ang hatol sa inyo ay baka may iba pa pong dahilan kung bakit gusto ng doktor ipa-opera ang bukol. Halimbawa po baka sobrang malaki na. Mas maganda po ay itanong ninyo sa doktor para maipaliwanag.

  85. 196

    hai po doc may kapitbahay po kaming may goiter maliit lang po pwede ba itong magamot at hindi maoperahan

  86. 198

    Hi doc mag and ang gabi po.. tanung ko lng po Kung delikado ba yung toxic goiter? Binigyan po ako ng doctor kng ENdo na methimazole… ano po nontoxic or toxic goiter doc? Alin po dun ung nkakabahala.salamat doc

    • 199

      Hindi naman po delikado ang toxic goiter kung magpapa-alaga kayo sa endocrinologist ninyo dahil kailangan po mamonitor ang thyroid hormone levels para maisaayos ang dose ninyo ng methimazole.

  87. 200

    Doc I’m 22 yrs.old ..last week q PA Lang napansin namai bukol po leeg q .. hirap po aqong huminga kapag gabi parang balisa po aq.

    • 201

      Sana po magpatingin na po kayo kaagad sa doktor para malaman kung nasa thyroid nga ba talaga ang bukol. Marami po kasing puwedeng dahilan ng bukol sa leeg.

  88. 202

    Hi doc bru. Merun po akung hyperthyrodism tanung ko lang po pag toxic goiter ay maaaring maging cancer? At ano din po ang sintomas kung canceros. Tanung ko dn po kung magkano ang pirang kailangan kung operasyon o magpa RAI

    • 203

      May maliit na chance na maging cancer ang toxic goiter. Yung operasyon po depende kung sino ang mag-oopera at kung saang hospital. Puwede po itong umabot ng 60 to 80K. Yung RAI naman po kung low dose po ay mga 5K kung sa charity ng Philippine General Hospital po.

  89. Jovelyn Pagaduan
    204

    Hello po dok. Ako po may thyroid ang iniinum kopo ay lyvothyroxin exoltrin 100mg. Minsan po kinaoabahan ako ng wala naman dahilan. Minsan nahihilo minsan nanginginig. Eto po ba ay sintomas ng may thyroid? Thanks po dok.

    • 205

      Puwede pong magkaroon ng tremors kung mababa ang TSH. Puwede pong bumaba ang TSH depende sa dose ng levothyroxine. Sana po magpacheck kayo ng TSH at magpatingin muli sa inyong doktor.

  90. 206

    Hi doc. May multinodular goiter po ako, sabi ng dr. kailngn ko dw munang mag kaanak bgo ko dw po ipaalis ung bukol. Ano po b ang mgiging epekto sa baby pag may multinodular goiter? At sbi rin po sa akin ng dr. Na ang levothyroxine dw po ay d nkakapag pagaling at sayang lng dw o ang aking pera.. Totoo po b un? Salamat po

    • 207

      Ang pag-inom ng levo-thyroxine para lumiit ang mga bukol sa multinodular goiter ay hindi po 100% effective. Mayroon pong lumiliit ang bukol dito pero mas marami ang hindi. Wala naman pong epekto ang multinodular goiter kung magbuntis basta ito ay nontoxic at minomonitor naman po ito sa prenatal check-ups.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.