Nodular Goiter

By in Goiter (Bosyo) on July 8, 2015

Thyroid adenoma

 

I have a solid nodule goiter,all the tests are normal.benign siya doc.ano ba ang gamot nito? Mag 2 yrs na ho,pls help me.tanx

Ang solid nodule ay bukol sa thyroid. Karamihan ng mga bukol sa thyroid ay benign o hindi naman kanser.  Malalaman kung benign ang bukol sa thyroid kung ito ay na-biopsy.  Fine needle biopsy ang ginagawa sa mga bukol sa thyroid. Isang manipis na karayom ang tinutusok sa bukol upang makakuha ng konting laman para masuri ito ng pathologist.

Sa mga benign na bukol sa thyroid, ito ang mga puwedeng i-rekomenda ng doktor:

  • Monitoring lamang. Walang gagawin kundi ulitin ang thyroid function test (tulad ng TSH) o thyroid ultrasound para mabantayan kung lumalaki ang bukol. Kung lumaki ang bukol, maaaring ulitin ng doktor ang biopsy o magrekomenda na ng surgery upang tanggalin ang bahagi ng thyroid na may bukol.
  • Pag-inom ng L-thyroxine. Ang levothyroxine ay binibigay upang paliitin ang bukol. Hindi lahat ng bukol ay lumiliit sa levothyroxine at may mga umiinom nito na nakakaramdam ng palpitations (pagbilis ng tibok ng puso). Sumangguni sa doktor kung ito ba ay nararapat para sa inyo.
  • Operasyon (surgery). Puwedeng i-rekomenda ng doktor ang pag-opera ng bukol sa thyroid kung ito ay sobrang laki na o may mga simtomas tulad ng pamamalat ng boses, hirap sa paghinga o paglunok kahit na ito ay benign.

 

 

 

Share

15 thoughts on “Nodular Goiter

  1. 1

    Doc!.. ano po pwdeng gamot pra sa may GOITER.

  2. 3

    Doc, ako po ay may multi-nodular non-toxic goiter, one year na pong di ako nakapagfollow-up check up. Kelangan po bang icontinue ko ung pag-inom ng gamot kung ilang dosage based dun sa last check up ko? Thanks po.

    • 4

      Depende po kasi kung yung purpose po ng gamot ay to shrink the goiter. Mas mabuti pong mag follow up sa doktor ninyo para malaman. Minsan po kasi kung hindi naman lumiliit ang goiter sa gamot ay puwedeng magpasya ang doktor ninyo na itigil na ito.

  3. Filomena Lamug
    5

    Good afternoon po doc.ako po ay isang ofw d2 sa italy recently lang po may napansin akong bokol sa left side ng leeg ko.nagpaktingin po ako d2 in suggest nila na ma ultrasound at mag pa blood test ako.may nakita ngang bokol actually 45mm na sya.yong blood test ko po dko maintindihan pero nakasulat naman yong FT3 , FT4 bale limang test yong ginawa sa akin.nakuha ko yong result pinabasa ko sa doctor ko sabi hindi naman grabe pero he suggest magpatingin ako sa isang endocrinologist para pag aralan kong ano yong bokol na tumubo.ang hirap namang pong kumuha ng appoinment d2.Im worried baka kung ano na tong bokol na 2.makukuha ba pa sa gamot 2 dòc para mawala ypng bokol? Thank you po

    • 6

      Sana po makita na kayo ng endocrinologist dyan. Yung 45 mm ay 4.5 cm at depende po sa kaso ninyo puwede pong mag-recommend ang doktor ng surgery kapag ang bukol sa thyroid ay higit na sa 4 cm. Kailangan din pong magpatingin sa endocrinologist para masabi kung toxic, nontoxic or hypothyroid po kayo. Kung toxic (sobra sa thyroid hormones) o hypothyroid (kulang sa hormones) ay puwede pong mag-reseta ang doktor ng gamot.

  4. Rachelle Ann Yap
    7

    Hi Dr. Iris, I was diagnosed with Follicular Lesion of undetermined significance. Should i worry about this? Thank you po.

    • 8

      Sa fine needle aspiration biopsy of the thyroid po ba ito? If yes, ang recommendation po diyan ay thyroidectomy.

  5. 9

    hi po Doc, magandang araw. kakaopera kp lng po, posible po ba na bumalik ang bukol o goiter ?
    ano po dapat gawin para maging healthy po uli? dapat po ba iwasan ung mga pagkain na bawal sa akin nung may bukol pa q? tnx po…

    • 10

      Anong klaseng operasyon po ang ginawa? Kasi po kung TOTAL thyroidectomy ay ibig sabihin walang tinira na thyroid so wala na pong babalik.

  6. 11

    Hi Doc! Ano po ibig sabihin kapag sa thyroid ultrasound ay lumabas na may nakitang calcifications? Salamat po.

    • 12

      Ang calcifications po means suspicious po for cancer yung nodule ninyo. Please consult your doctor for possible fine needle aspiration biopsy.

      • Cherie Ann B. Lo
        13

        yes po.. after the ultrasound ko, nag 50 days take ako ng carbimazole and b1b6b12 na vitamins then nag tsh test ako, mababa pa rin sya sa normal. so hindi muna nagdecide ang doctor na magbiopsy.. after 45 days po uli daw kapag nagnormal na ung tsh level ko. ano po ba pwede kong gawin para mapataas ung tsh level ko? salamat po ng marami doc.

        • 14

          Usually po late mag-normal ang TSH kapag umiinom ng carbimazole, mas nauuna pong magnormal ang T4. Sa pagpatuloy ng inom ng carbimazole ay eventually puwede pong mag-normal rin ang TSH. Just keep following up po with your doctor.

  7. Cherie Ann B. Lo
    15

    As related to my upcoming biopsy on Friday po, im taking antibiotic,carbimazole,levithyroxine and b1b6b12…but then po,almost 10 days na po delayed ang menstruation ko. Possible po ba na dahil un sa gamot ko? Wala naman po aq partner. Thanks po for your reply.it helps a lot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.