
Nawawala ba ang diabetes?
Pm doc ask ko lang po ung diabitis pag d na tumataas ang sugar nawawala po ba.?
Wala pang natuklasan na lunas para sa diabetes.
May mga tao na na-diagnose na may type 2 diabetes na mabigat ang timbang, walang ehersisyo at malakas kumain. Sa pag-inom ng tamang gamot para sa diabetes, pagbawas ng timbang at pag-ehersisyo, maaaring bumaba ang kanyang blood sugar. Hindi nangangahulugan na nawala na ang diabetes.
Ang problema sa type 2 diabetes ay dulot ng kakulangan ng produksyon ng insulin sa pancreas o pagiging resistant ng katawan sa epekto ng insulin. Ang dahan dahang mga proseso na ito ay hindi nahahadlangan ng gamot. Sa pag-inom ng gamot, pagkain nang wasto at pag-ehersisyo, bumababa ang blood sugar pero kulang pa rin ang insulin o may insulin resistance pa rin.
Panoorin ang video na nagpapaliwanag kung ano ang nangyayari sa type 2 diabetes.