May thyroid po ba ako?

By in Goiter (Bosyo) on July 8, 2015

Dok may nakikita akong bukol sa gilid ng leeg ko.may tyroid po kaya ako.takot ako magpa checkup.god bless po

Struma 001

By Drahreg01 (Own work) [GFDL or CC BY-SA 3.0], via Wikimedia Commons

Lahat ng tao ay may thyroid gland. Kapag lumaki ang thyroid, ang tawag na dito ay goiter o bosyo. Minsan nagkakaroon ng bukol ang thyroid. Ang tawag sa bukol sa thyroid ay nodule.

Panoorin ang video para malaman kung paano mag-eksamen sa sarili ng thyroid.

Ang thyroid ay umaakyat at bumababa sa leeg kapag lumulunok. Kung ang bukol ay gumagalaw kung lumulunok, posibleng nasa loob ito ng thyroid. Kung ang bukol sa leeg ay hindi gumagalaw kapag lumulunok, puwedeng hindi ito sa thyroid. Ang anumang bukol sa leeg ay dapat isangguni sa doktor. Huwag matakot! Mas mabuting malaman kaagad kung anong klaseng bukol ito. Hindi naman lahat ng bukol ay kanser.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *