Ano ang normal na blood sugar?

By in Diabetes on July 8, 2015

Doc ask ko lang po 6.08 ang fbs ko normal po ba yun? thank u po.

 

Ang fasting blood sugar (FBS) ay kinukuha pagkatapos mag-fasting ng 8 hanggang 12 oras. Kinukuha ang dugo sa umaga pagkatapos mag-fasting sa gabi.

Ang normal na fasting blood sugar ay 5.5 mmol/L pababa. Puwedeng i-multiply ang number na ito sa 18 upang makuha ang katumbas na mg/dL. Ang normal na FBS sa mg/dL ay 99 pababa.

Kung dalawang beses na nagpakuha ng FBS at ito ay 7.0 mmol/L or 126 mg/dL pataas, diabetes na ito.

May tinatawag na impaired fasting glucose (IFG). Minsan ang tawag dito ay borderline diabetes o prediabetes. Ang FBS na 100-125 mg/dL o 5.6-6.9 mmol/L ay impaired fasting glucose. Kaya ang 6.08 mmol/L na resulta ng nagtatanong ay mapapabilang sa impaired fasting glucose. Kung may IFG, ibig sabihin malapit na ito sa diabetes. Dapat magsumikap na kumain nang tama at mag-ehersisyo upang marating ang tamang timbang para hindi mauwi sa diabetes.

Depende sa history ng pasyente, maari ring ipasailalim ang taong may IFG sa ikalawang test – ang oral glucose tolerance test o OGTT upang malaman kung may diabetes na.

 

 

Share

20 thoughts on “Ano ang normal na blood sugar?

  1. Lorevy Nuqui
    1

    Hi Doc. Thank you po sa information. Ano po kayang magandang diet para dito sa my IFG? Thank you and God Bless po.

  2. 2

    Doc 4 months pregnant po aq nagpacheck up po aq at diabetic daw po aq Sabi ng doctor ngaun po pinag-iinsulin ako ask ko lng po kung safe po ba sa baby ang insulin natatakot po aq para sa baby ko.pls sana po matulungan nyo ko.salamat po

  3. Leomel buendia
    4

    doc tanung ko lng po, fbs 5.32 ang result ko sa pag papakuha ng blood sugar, anu po ba ito hindi ko na kasi nagawang ipabasa sa dr k, ty po

    • 5

      Ang pag-diagnose po ng diabetes ay based din po kasi sa symptoms at physical exam kaya kailangan po sana kayong makita ng doktor. But you can check here in my post yung mga normal levels.

  4. 6

    Doc, bale yung mama ko po bago inoperahan dahil sa gallstone chineck po yung sugar niya! umabot po ng 300,bale 2 months din po siya naginsulin until napnsin namin na mababa ang sugar niya kahit hindi nagiinsulin! araw araw po namin chineck without insulin normal naman po! after3 mnths po chineck po namen! 113 po, kahet matagal ng hindi naginsulin! tanong ko po, MAGALING NA PO BA SIYA?

    • 7

      Ang 113 kung fasting blood sugar po yan ay hindi pa rin normal dahil ang normal ay 99 pababa. Posible po na ngayon ay mas maingat na siya sa pagkain at nage-exercise kaya mas mababa na ang blood sugar kaya hindi na kailangan ng insulin. Sana po mapacheck ninyo rin ang HbA1c para malaman ang long-term control ng diabetes. Mag follow-up po kayo sa doktor para mas masubaybayan.

  5. 8

    Doc gud eve kanina lang ako nag pa check ng blood sugar ko sobrang taas 9.4 ano pwede kung gawin?

  6. 11

    doc.ang nararamdaman ko po kasi namamanas mula bewng hanggang paa .at nararamdan ko po parang tinutusok tusok ang paa ko .pusible p kayang may diabetic ako……

  7. 13

    duc ako ay nag check up sa fasting blood sugar ang result po ay 226 malala na po ba ang diabetic ko

    • 14

      Mataas po ang blood sugar ninyo dahil ang normal na fasting blood sugar ay 99 mg/dL pababa. Please see a doctor po kaagad.

  8. 15

    Doc ask ko lang po kung pwede magpatest ng FBS kahit may menstration ng araw na yun . Thank you

  9. Crizzy Aquino
    17

    Dok tanong ko lang po. Kapag po b normal n ang blood sugar pwede na poh hindi magtake ng insulin or kailangan continue pa rin ang pag take nito? Thanks

    • 18

      Kung naka insulin tapos nagnormal na ang blood sugar – dahil po ito sa insulin. Kaya kung ititigil ang insulin ay tataas muli ang blood sugar ninyo.

  10. 19

    Pag Po b 6.1 FBS possitive n Po bang my dyabetes

    • 20

      Ang normal FBS ay 5.5 pababa. Hindi lang po level ng blood sugar ang tinitingnan para maka-diagnose ng diabetes. Please ask your doctor about this.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.