Paalala

By in Uncategorized on March 21, 2015

Ang kaalaman sa website na ito ay hindi maaring ituring na personal na rekomendasyon para sa inyong kalusugan. Ito ay para lamang sa edukasyon ng publiko. Hindi ito maaaring humalili o ipalit sa pagkonsulta sa inyong doktor. Ang pagbasa ng mga impormasyon sa website na ito ay hindi nangangahulugan na pasyente ka ni Dok Bru.

Ang lahat ng nakasulat dito ay napapasailalim sa isang Creative Commons Share Alike Attribution Required Noncommercial license.

 

 

Share

58 thoughts on “Paalala

  1. 1

    Congratulations on your site Dr Iris Isip-Tan. More power to your followers.

  2. regina suniga
    3

    Pano po ba malalaman kung may goiter ang isang tao?

  3. 5

    Dok tungkol po sa adrenal hndi q po alam exactly pero nabsa q po na related din po ito sa hormones at sa pagkakaroon ng pustules pimple.. sobrang dmi na po ksi sa mukha q ang pustules pimple e.. sobrang nahihiya nrin po aq humarap sa mdming tao.. nagstart po ito 2012. When Iwas in first year college.. anu po dpt qng gwin

    • 6

      May isang klase ng adrenal problem na ang tawag ay Cushing’s syndrome kung saan sobra ang nailalabas na cortisol hormone ng adrenals. Sa Cushing’s syndrome puwedeng magkaroon ng severe acne or pimples. Mas mabuting magkonsulta sa isang DERMATOLOGIST dahil baka ordinaryong pimples lang naman yan at hindi related sa adrenal.

      • 7

        My nabasa po ksi.akong article na my ibat ibang uri ng pimples.. and I read all their description.. base nmn po sa nakikita q na tumutubo sa face q.. is kgya ng description ng pustules..

  4. kris Tendilla
    8

    Doc panu po kung biglang kumikirot ung sa ilalim ng breast? Salamat po

  5. Stephanie Forneas
    10

    Hi Doc, may I know you clinic hours and where it is located?

    thanks

  6. 12

    ano po gagawin ko constipated kasi ako tas may blood na kasama kapag nag dudumi ako ..pls po doc ..thank you

    • 13

      Please consult a doctor po. Puwede pong simpleng hemorrhoids lang po yan or baka po kailangan ng colonoscopy para silipin ano po yung dumudugo.

  7. 14

    Hello doc, sobrang stress na po ako kakaicp. nung una po pag kahilo lang ang aking problema. dahil daw ito saaking tenga. Ngayon po, mag dadalwang lingo ng sumasakit ang aking puson na may kasamang pag duwal. Tapos etong mga nakaraan na araw bigla na akong nakakaramdam ng pagkalamig. Asmathic din po pala ko doc, kaya gabi gabi ako nag nenebulizer. ngayon po nakkrmdm ako ng sore throat. Ito po ba ay dahil sa pag nenebulizer ko? ang problema ko din po ay paglalamig. thanks doc sa kasagutan mo. 🙂

    • 15

      Sana po magkonsulta po kayo sa isang internist para matukoy ang problema ninyo. Kailangan rin po kasing maeksamen kayo ng doktor.

  8. 16

    hi doc! my lump po ko s leeg, pro normal po ang result ng thyroid test. ilang doctors n po npuntahan ko, wla nmn nrresetang gmot skin.. every yr po ngppathyroid test po ko, lgi nmn po normal ang result.. ung hulingbdxtor ko nresetahan ako ng levothyroxine kht d nmn po ko hypo.. mg 2 months n po ko nainom.. bkt po gnun? normal ang thyroid function ko pro my lump s leeg ko? pls help.. ang dami ko n po kc dctor n npunthan wla p din po ngyyri.. tnx in advnce doc! Godbless u..

    • 17

      Puwedeng walang reseta para sa bukol sa goiter na normal thyroid function test. Optional ang pagbigay ng l-thyroxine para tunawin ang bukol. Mga half lang kasi ang success rate ng l-thyroxine para paliitin ang bukol. In my practice, I try l-thyroxine for several months if the patient is willing. Bago mag-start ng l-thyroxine, sinasabi ko sa pasyente na trial of treatment lang ito.

  9. 18

    btw doc, I am only 19yrs old and I have hormonal deficiency. my main problem is I always feel cold. even if it its not cold po

    • 19

      Ano kayang hormonal deficiency yun? Yung cold intolerance kasi sa hypothyroidism or kakulangan ng thyroid hormone.

  10. 20

    hi doc ask ko ln about 3years ago na ngpatingin ako sa Ob kc hindi ako mabuntis nalaman ko that i have PCOS at meron ako hormonal inbalance ng take po ako ng clomid/metpormin at vit e about a year cguro pero wala din nangyari so i stop coz i didnt get pregnant ano po kaya ang mainam ko gawin.

    • 21

      Yun po ang mga gamot na binibigay sa PCOS. Sometimes matagal po talaga bago mabuntis. Sana po huwag kayong mag-give up. Ang OB Gyn po ba ninyo ay reproductive endocrinology ang specialty?

  11. 22

    Hello po doc!

    I’m 20 yrs old po and Nakapag research po ako regarding sa pagtatransition and balak ko po sana magstart mag hormones and nalaman ko po na kailangan ko po muna magconsult sa isang Endocrinologist, Matagal tagal ko na po kase siyang pinagiisipan and sa tingin ko po now is the right time for it kung sakali po saan ko po kayo puedeng macontact and how much po yung fee sa pag pacheck up, Please reply as soon as possible Thankyou po!

    • 23

      Hi Erral! May isang endocrinologist sa St. Luke’s QC who does transitions. Please look for Dr. Michael Villa.

  12. 24

    Hi Dok Bru!

    I was diagnosed as a High Proclactin almost 4 years now and I’m taking dostinex 2x a week. Ang problema ko po kpag di ako uminom ng med di po ako nagme mens. Minsan po me period ako na 2 weeks tumatagal. Sinabi ko na po yun sa Endo ko sabi nya normal lang daw yun gawa sa med ko. Last Sunday I had my period and it was heavy buo2 po ang lumalabas ng dugo tapos po nun Monday nag stop sya. Nagpa pelvic ultrasound po ako at nakita ng doctor na makapal yun emdromentriosis ko na 20mm or cm ( Im not sure if mm or cm) then I went to OB sabi nya after my mens I will undergo trans vaginal ultrasound and kapag thick parin yun lining i DNC ako. Natatakot po ako sa DNC. Sa tingin nyo po tama ba po yun gagawin sakin. I’m base in Saudi Atabia right now. Kakauwi ko lang po pinas last month. Nagoa papsmear po ako okay namam po ang result.

    Maraming salamat po! Please advice.

    • 25

      Kapag mataas po ang prolactin level ay hindi regular ang menstruation. Kapag nag-normal na po ang level ng prolactin ay dapat magkaregla na. Dapat pong ma-investigate kung bakit hindi pa rin nagre-regla kahit naka-Dostinex na.

      • 26

        Hi Doc Bru!

        Ang main probkem ko po ngayon ay kung bakit lately 2 weeks po ang tagal ng period ko. Tapos po ng pa ultrasound ako nakita ng doctor makapal ang uterine lining ko. Ang sabi ng OB after my period, I will undergo trans vaginal ultrasound at kapag thick parin daw po I will undergo D & C. Natatakot po ako. Ganoon ba po talaga ang dapat gawin

        • 27

          Kapag sobrang kapal po kasi ang lining ng matres ay risk factor po siya sa endometrial cancer. Kapag niraspa po kasi titigil ang pagdugo ninyo dahil sobrang tagal na ang two weeks na pagreregla then puwede po nilang i-biopsy na rin ang lining ng uterus para malaman po kung ano ba talaga ang problema.

  13. 28

    Hi Doc may pcos po ang aking right ovary.regular naman po ang mens ko gusto ko na po kc makababy ano pwede inumin ng gamot?

  14. 30

    Hi doc! Nabasa ko po ung article bout pcos. Same po ng sinabi ng o.b ko nung nagpapacheck up pa ako. Pero tinigilan ko po ung pagtake nung pills after 3mons. Kala ko magiging regular na ako noon. Tapos hindi na ako bumalik ulit sa o.b. pwede po ba ako magtake ulit ng provera,pills and metformine? Same procedure po ung gagawin ko. And pwedi po bang magka anak ung may pcos?

  15. 32

    God Morning po Doc, itatanong ko lang po sana alam ko po na ndi ito kasama sa listahan ngbabaksakali lang po na baka matulungan nyo din po ako, kasi yung tatay ko po ay tumataas ang uric acid nya ehh ngayon po almost one week na pong namama-ga ang mga paa nya, ano po kayang maaring igamot o kahit na paunang lunas sa kanya, kasi ayaw naman po namin painumin ng pain reliever dahil po daw ay mkakaapekto daw ito sa kidney and liver. pwede po ba sya uminom ng pain reliever na NSAID at kung may pwede po kya syang bigyan ng ibang gamot, di pa po kami kc ngpapalaboratory.. nga po pla nsa genes din po nila ang ganitong sakit.. maraming salamat po at Godbless!! Morepower po

    • 33

      Bawal po kasi mag-recommend ng gamot dito dahil hindi ko naman po kayo pasyente. Sana po magpatingin kayo sa isang rheumatologist.

  16. carmelita usita
    34

    hi,doc ! isa po akong ofw ang problema ko po itong ilong ko parang may kakaiba akong naaamoy sa loob ng aking ilong lalo na pag yumuyuko ako tapos may tumutulong tubig kulay dilaw pero sa right side lang nman………sana matulungan mo ako sa problema ko kasi natatakot po ako baka kung anong sakit ko….thank you po

    • 35

      Dapat po kayong magpatingin po kaagad sa isang ENT o otorhinolaryngologist para masilip ang ilong.

  17. mark triztan florence obarco
    36

    Dok pwede ko po ba malaman kung anu ang prostatic hypertrophy pregnancy? At kung para san gamot ang spastro? Salamat po
    Fb name ko po mark triztan florence obarco

  18. 38

    doc clarify ko lnh po, nung 2nd week ng oct 2015 fbs ko po is 144 and 141 respectively hba1c is 4.4, pumunta po ako sa clinic nyo sabi mo diabetic ako diniscus mo ung proper diet with exercise tas binigyan mo ako ng metformin 500 for twice a day. ginawa ko un ng isang lingo at ang fbs ko ag naging 74. nagbawas na ka agad ako ng once a day sa metformin, then just last week tinigil ko na at nagpakuha ako ng fbs ko naging 90 after 2 days 2 hour after meal ung result naging 74. doc ito po ba ung sinasabi nila na reversal? back to normal na ba lahat wala na ako diabetes? salamat po

    • 39

      hi RJ! Sa aking palagay ay diabetic ka pa rin dahil na meet mo ang criteria na dalawang FBS na 126 mg/dL pataas para matawag na diabetic. Pero posibleng dahil sa pag-diet and exercise mo ay hindi na kailangan ng gamot. Ang tawag na diyan ay diet-controlled diabetes. Please continue monitoring your FBS kahit once a month and ang HbA1c every 3 months.

  19. 40

    Dr. Bru ask ko lng po bakit paulit ulit ko nararamdaman ang bigat ng dibdib ko at medyo di ako makahagod ng hangin dahil masikip nga tapos bigla nlng bilis tibok ng puso ko n tipong lalabas n xa s dibdib ko at mbilis p tapos maya maya lalamigin nako at manginginig, anu po b un?

  20. 43

    Mapagpalang araw po sau Dok..!! Im Pinx 28 years old bago pa lang po kami nagsasama ng hubby q..ask q lang doc..74 days na po aq delay…!!! December 1, 2015 po last mens q pero up to now february 12, 2016 wla pa rin po..!!! Nag-PT po aq last January 21 pero ang result po ay negative..!! Pero dok may mga sintomas po aq na nararamdaman tulad ng Headache, pagsakit ng puson, parang bumibigat po ang aking dalawang dibdib mejo sensitive rin poh…!! Minsan po sa work q sa opis minsan po parang nahihilo aq..!!! At ang huli dok parang may pumipitik sa may puson q..!!! Minsan po mabilis kung pumitik anu po kaya ito dok..!!! Maraming salamat poh…!!! GOD bless us poh……….More power po..!! Marami po kayong natutulungan sa pamamagitan ng site na ito… Isa na po ako d2..tnx poh

    • 44

      Mas mainam po magpatingin sa OB na po. Baka kailangan pong mag pelvic ultrasound para malaman kung bakit walang regla po.

  21. 45

    hello doc. yung kapatid ko pong lalake 18yrs.old bigla nalang po nakalbo yung gitna ng buhok ano po kaya ibigsabihin nun. maraming salamat po

    • 46

      Marami pong puwedeng dahilan ng alopecia – medical term sa pagkawala ng buhok. Please see a dermatologist.

  22. RIOLYN FERNANDEZ
    47

    Dok ilang beses po ba dapat inumin ang gamot na methimazole tapazole? kailangan po bang inumin ito ng may laman ang tiyan o wala?

  23. 48

    Dok….. posible bang nakakamatay ang thyroid cancer. At posible bang tataba pag nag undergo ako ng opersayon….? Ask ko lang doc magkano kaya ang ang opersayon ng toxic goiter? Asap please thanks.

    • 49

      Puwede pong mamatay sa thyroid cancer kung ito ay kumalat na. Tumataba lang po after ng operasyon kung total thyroidectomy po ang ginawa at hindi iinom ang pasyente ng thyroid hormone replacement. Ang bayad po sa operasyon depende sa ospital at surgeon. Sa PGH Pay ward po mula 60 to 80 thousand po.

      • 50

        Salamat po dok!
        Isang tanong pa, may posibilidad bang matutunaw sa gamot ang toxic goiter na almost 8yrs walang gamot na iniiom sa ngaun.? At magkani po ang RAI? Asap po dok! Ty

  24. Jeneth cuz
    51

    Help nun isang buwan po nagpabreast biopsy oo aq e ang result po ay benign profilerative masthophy delikado po b UN??Anu dpat ko po gwin at naooperahan po ba in??need ko po feedback nyo..tnx godbless

    • 52

      Dapat po sana ay ibalik ninyo ang biopsy result sa doktor na nag-request nito para mabasa. Kung cancer po ay may word na cancer or carcinoma sa biopsy results.

  25. 53

    Hi Doc Bru. Ask ko lang po sana kung pwede po ba ma-detect ang diabetes sa pagcheck ng ihi?

    • 54

      Puwede po kung may asukal (glucose) sa ihi. Pero dapat pa rin pong i-confirm through blood test.

  26. 55

    doc.bru , dalawang klase pu va ang levothyroxine ?

    • 56

      Ang levothyroxine ay generic name po. Local brands include Eltroxin, Thyrax, Euthyrox, Thydin etc.

  27. 57

    Hello po dok..tanong q lang pokung pwede po ba magbuntis ang may toxic goiter?sana po mapayuan nyo aq salamat po…

    • 58

      Puwede pong mabuntis ang may toxic goiter but inform your doctor kasi kailangan pong palitan ang gamot dun sa gamot na safe inumin kahit buntis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *