Nakakataba ba ang goiter?

By in Goiter (Bosyo) on March 21, 2015

“Hi Doc ask ko lang po nakakataba po ba ang may goiter? Antaba ko na po kc Doc kahit di po ako kumain matabapa rin ako..Salamat po doc..GOD BLESS”

Lahat ng tao ay may thyroid gland. Ang thyroid gland kung lumaki ay tinatawag na goiter. May isang klaseng goiter kung saan hindi na gumagana ang thyroid gland. Hindi na ito gumagawa ng thyroid hormone. Kapag kulang sa thyroid hormone ang isang tao, maraming sintomas –

  • Madaling mapagod
  • Madaling lamigin
  • Madalang ang pagdumi
  • Hindi mapaliwanag na pagtaba o pagdagdag ng timbang
  • Pagmamanas ng mukha
  • Pagpaos ng boses
  • Panghihina, pananakit at paninigas ng kalamnan
  • Mataas na kolesterol sa dugo
  • Paglakas ng regla o hindi regular na regla
  • Pagnipis ng buhok
  • Pagbagal ng tibok ng puso
  • Labis na pagkalungkot (depression)
  • Pagiging makakalimutin
Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.