Ano ang mga sintomas ng diabetes?

By in Diabetes on March 21, 2015

“Ano po ang senyales na meron ka na pong diabetis minsan po kasi di mo namamalayan busy sa trabaho. Salamat po Dok.”

 

Peeing

Maraming sintomas ang diabetes. Hindi lahat ng sintomas ay nararamdaman ng taong may diabetes.

  • Madalas na pag-ihi, araw at gabi.
  • Labis na pagkauhaw o panunuyo ng bibig o lalamunan.
  • Madaling mapagod o parang kulang ang lakas parati.
  • Panlalabo ng paningin. Malimit na pagpapalit ng grado ng salamin sa mata.
  • Mabagal na paggaling ng sugat.
  • Impeksyon sa ihi o balat.
  • Pamamanhid ng paa, parang kinikiliti o namimitig ang paa. May pakiramdam na parang tinutusok ang mga daliri sa paa o parang may langgam na lumalakad sa paa kahit wala.
  • Nangangati ang balat. At sa mga babae, maaari ding makati ang puwerta.

Kung mayroon ka ng isa o higit pa sa mga sintomas na ito, sumangguni kaagad sa isang doktor.

Kung wala ka ng kahit alin man sa mga nabanggit na sintomas, kailangan pa ring magpasuri ng asukal sa dugo kung ikaw ay kuwarenta anyos na pataas.

Share

83 thoughts on “Ano ang mga sintomas ng diabetes?

  1. Juvy M. Suello
    1

    I have a solid nodule goiter,all the tests are normal.benign siya doc.ano ba ang gamot nito? Mag 2 yrs na ho,pls help me.tanx

  2. daisy villamor
    3

    ano po sintomas ng maagang mag minipouse doc,thanks

  3. 7

    Dr.Bru ano po vang gamot sa diabetis na walang side effect ?at pati ng cholesterol . Kasi alam ko ang metformin ay na kakasira ng sa liver at kidney,at ang atorvastatin ay madaling mag ksroon ng alzaimhers,daimensia , sno po ba ang magsndang gamot na wslang sude effect ? Iyon po bang polinol para sa cholesterol ay maganda at walang side effect kasi herbal. Mrdicines po siya

  4. Lorevy Nuqui
    9

    Doc ask ko lang po 6.08 ang fbs ko normal po ba yun? thank u po.

  5. wilfredross albino
    11

    Dok san po ang clinic nyo sa pinas pa check up po ako pag bakasyon ko

  6. teofilo ramirez jr
    13

    hi paano po malaman if diabetic na ang isang tao…for my case my sugar was above normal (397) but after three weeks of diet and not drinking softdrinks it was reduce and back to normal (104)…need ko pa ba ituloy ang pag inom ng medicine? thanks

  7. john gallardo
    15

    dok may diabetes po ako pero 118 mgl medyo mababa na..ang problema ko nangangati balat ko pantal…ano po ang gamot na dapat kong inumin…naggagamot pa rin ako nang metformin.

    • 16

      Ang mga pantal ay puwedeng allergy o skin problem. Pasensya na po, dapat ay magpatingin sa dermatologist para malaman kung ano ang dahilan ng mga pantal.

  8. beth antabang
    17

    dok.. lahat po ng nsabing sintomas ay nararamdaman ko ngayun except po sa sugat kc wala nman po ako sugat,,pero nhihilo din po ako minsan,.. pati sobra po ang pangangalay ng mga braso, binti at tuhod ko.. nghihina din po ang ktawan ko.. anu po ba gamot dito? possible po ba myrun akong diabetes… plz help me po.tnx

    • 18

      Bago po sa gamot, dapat po siguraduhin muna na may diabetes nga. Sana po ay magpagawa ng fasting blood sugar at magkonsulta sa doktor.

      • 19

        Pag nilalanggam pu ang underware ibig savhn pu may diabetes n?i nid ur answer pu

        • 20

          Posible po dahil sign yun na may asukal sa ihi. Lumalabas lang po ang asukal sa ihi kapag sobrang taas na ang asukal sa dugo. Sana po ay magpacheck ng fasting blood sugar para makasigurado.

  9. 21

    totoo po ba na pag ung underwear na hinubad mo pag nilanggam may diabetes ka?

    • 22

      Posible po dahil sign yun na may asukal sa ihi. Lumalabas lang po ang asukal sa ihi kapag sobrang taas na ang asukal sa dugo. Sana po ay magpacheck ng fasting blood sugar para makasigurado.

  10. 23

    ang diabetes ay isang sakit na nakuha sa lahi nila o sa palaging npagkain ng matatamis na pagkain

  11. 24

    ang pagkakaron ng sakit nato ay ang pagkain ng matatamis na pagkain sa na walang sakit na diabetes para makakain kami ng masmaraming chocolate.

  12. 25

    Help nman po diko maitindihan yung nangyayare sakin una po mag kakaron ako ng muscle pain Sa binte tpos pag nakapag rest na ako halos di kona maigalaw Yung mga pas Ko before nag pa check ako sabe thyroid daw. Nsa uae po ako abu dhabi nah worrie po ako sa biglaan pag kawalan ng lakas ng mga binti ko at minsan kasama ang braso

    • 26

      Puwede po kasing mawalan ng lakas ang binti at hindi makabangon o makalakad kung may hyperthyroidism o overactive na thyroid gland. Karaniwan po itong nangyayari sa mga kalalakihan na may hyperthyroidism. Ang tawag po dito ay THYROTOXIC PARALYSIS. Magpatingin po kaagad kayo sa doktor.

  13. quennie Jane Sayson
    27

    Doc,nasa lahi po namin ang diabetes, 5mos.pa lang mula ng manganak ako, may nararamdan po kase akong pamamanhid ng kamay,pas at nag aasim po sikmura ko.kkagaling pa lang din ng sugat ko na halos 3buwan.is it posibble na may diabetes na ako?

    • 28

      Dahil po may lahi kayo ng diabetes, mas maigi pong magpatingin sa doktor. Puwede pong mag-order ang doktor ng mga lab test tulad ng fasting blood sugar or oral glucose tolerance test (OGTT).

  14. 29

    Good day doc..tanung ko lang po makati vagina ko, diabetis na po ba ito? Cholesterol ko 122 at bp 133/83.. Ibang kataunangan ko doc maari po ba ako mgkasakit sa puso at may lahi dn kami na may heart disease at diabetes..nakaramdam ako ng pananakit likod ng left heart ko.. hindi nman naninikip..plz reply naman doc..salamat

    • 30

      Ang pangangati sa puwerta ay puwedeng sintomas ng diabetes. Sana po ay magpa-check kayo ng fasting blood sugar para malaman. Puwede naman po kayong magpa-ECG para malaman ang lagay ng puso ninyo.

      • 31

        Nagpasuri na ako ng sugar ko doc 127.. Bp ko 100/70 ngpa urinalysis dn ako wla nmang impeksyon, .. Bakit makati p dn.. Nagpa ECG na ako noong may at july normal nman heart ko.. Pwede p rin ba ako mgkasakit sa puso doc..

      • Jamil Bongaros II
        32

        Dok , I’m only 16 years old but 4 sa mga sintomas ng diabetes ay nararanasan ko po . Positive po ba na may diabetes po ako ? Nagagamot po ba yun ?

        • 33

          Sana po magpa-check ka na ng fasting blood sugar para malaman dahil kahit bata ay puwedeng magkaroon ng diabetes. Nagagamot po ang diabetes pero maintenance ang gamot.

  15. 34

    Doc namamanhid po ang aking binti at nangangati din ang puwerta pati ang hikaw ko po ay nilalanggam. Ito po ba ay diabetes na ? Ano po ba ang maari kong gawin ?

  16. Michelle Frayna
    36

    Doc sign po ng diabetic ang pangangati pero yung kati po kapag kibamot namamaga na masakit

  17. 38

    Dok
    Mataas po ang OGCT ko
    197.0
    Me gestational diabetis na po ba ko nun
    Kelangan pa po ba mag pa OGTT
    15 weeks pregnant po ako

    • 39

      Recommended pa rin po na magpa OGTT sana.

      • 40

        Wala na po bang alternate na test bukod sa OGTT
        Hindi po ako kumportable dun sa glucola masuka suka po ako

      • 41

        doc meron po ako nararamdaman na panunuyo ng labi at isang gabi lang ng lagi ako naiihi at parang may laggam sa kamay ko or ibang bahagi ng katawan d ko lang po alam kung diabetes na po ba ito o dahil lang sa katabaan 21yrs old po ako ano po ba dapat ko gawin para ma control ito hindi po kase ako nag papa tingin sa doctor dahil kapos sa bayad mapapagaling po ba nito ang pag eehersisyo at tamang pagkain lamang ??

        • 42

          Mas maigi pong magpakuha ng fasting blood sugar (FBS). Puwede pong magkadiabetes kahit bata pa. Start diet and exercise.

  18. 43

    Doc,nangangati pwerta ko pa minsan minsan,minsan lang manuyo lala muna ko,pakiramdam ko sa mga daliri ng paa at kamay ko Parang tinutusok,sa araw madalas din po ang pag ihi ko,doc sintomas poba eto ng diabetes,Asa UAE po ako sa ngayun,kung mag diet at ehersisyo poba ako…pwedeng mawala eto?salamat po doc

    • 44

      Puwede pong diabetes. Sana po magpakuha kayo ng FBS (fasting blood sugar). Please start diet and exercise but importante pa rin na mapagawa ang test kasi po minsan kailangan talaga ng gamot.

  19. 45

    dok ilang oras po talaga yong fasting pra sa fbs? kasi sabi sakin nung 1st nurse is 8-12hrs. tpos nung pgbalik q after 10 hrs hindi daw pwd masyado na daw mataas dapat daw 6-8 hrs lang..

  20. 47

    hi dok. possible po bang mai diabetes kahit po normal yung fbs result?

    • 48

      Yung iba po ay nagpapagawa ng OGTT o oral glucose tolerance test. Puwede pong normal FBS result pero sa OGTT ay mataas kaya diabetes pa rin.

  21. 49

    doc nag pa fbs po ako at 5.7 ang result at ang hba1c ko ay 6.3 diabetic na po ba ako,,may maintenance po ako for 1month

    • 50

      Ano po ba ang sabi ng doktor noong binigyan kayo ng maintenance na gamot – PREDIABETIC o diabetic na talaga po kayo? Kung may iniinom po na gamot na, please ask your doctor kung ano po yung target FBS at HBA1c ninyo.

      • 51

        mas mainam po ba na brown rice nlang ang kainin ko,,anu po bang mga halimbawa ng gulay ang pwede kong kainin at gaano karami

        • 52

          OK lang po kung brown rice kasi mas mabigat ito sa tiyan so mas busog nang mas matagal ang pakiramdam kumpara sa white rice. Pero 1 cup din po ang allowance sa brown rice pareho ng white rice. Mga leafy vegetables po – sa isang nine-inch plate, kalahati po ng plato ay dapat gulay.

  22. sarah dela cruz
    53

    doc 397 poh blood sugar ng nanay q at ung paa nya nag kasugat at mabaho na po na may nalabas na parang tubig ano poh dpt gwin para mapabilis ang pag baba ng blood sugar nya . tnx po

    • 54

      Sa ganyang sitwasyon ay mas mabilis bumaba ang asukal sa dugo gamit ang insulin injections pero kailangan pong magpagtingin sa doktor para maresetahan nito.

  23. 55

    Dok possitive na po bko sa diabetes 12.1 po result ng fbs ko..may lahi po kami sa father side pero wla naman akong ibang nararamdaman pero highblood po ako

    • 56

      Mataas po ang FBS na 12.1 dahil ang normal ay 5.5 mmol/L pababa lamang. Puwede pong walang nararamdaman kahit diabetes o minsan may nararamdaman pero hindi mo akalaing dahil sa diabetes na pala ito – tulad ng malimit na pagka-uhaw o pag-inom ng tubig, malimit na pag-ihi lalo na sa gabi, parating gutom ang pakiramdam kaya malimit kumain at iba pa.

  24. 57

    doc. kapag nainom ako ng tubig lagi po akong ihi ng ihi lalo na sa gabi bago matulog..
    tapos ngalay din po ang mga braso ko lalo na po sa kaliwang kamay.. nang hihina din minsan ang kaliwang binti at tuhod ko..minsan po pakiramdam ko mahid ang puwet ko pati muka ganun din po sa mga binti at braso ko. kumakabog din po minsan ang puso ko. nag pa ecg ako normal naman po. pati din po yung thyroid ko normal din naman po. madadali din naman po gumaling ang mga sugat ko. lagi din po kameng nagjajogging at basketball ng mga pinsan ko.. hndi pa po ako nakakapag pa blood chem..
    maaari po bang may diabetis ako? 19years old palang po ako..

  25. 59

    Doc ako po 1month napo ako may gastropheageal acid reflux yung kapag busog ka at humikab may maasim o mapait na lasa nagpatingin na ako mga 10days palang to sa isang internal doc pero wala prin po naubos ko na gmot di man nawala ang mahal pa naman ngaun po parang something na makati o tinutusok na ang dila ko at labi na parang naiinitan na ewan ?ano po kaya ito ?naiirita po dila ko at labi .minsan parang pati mukha at mata tinutusok na maliliit na parang maanghang minsan yung mga mata ko biglang kikirot para akong kinukulam ano kaya ito doc ..

    • 60

      Usually po mga 2 weeks na umiinom ng gamot for GERD tapos kung may symptoms pa rin ay baka kailangan na po ng endoscopy – sinisilip po ang tiyan. Ang doktor po para diyan ay isang gastroenterologist.

  26. 61

    pwede po ba sa prediabetic ang uminom ng sabaw ng buko araw-araw,,,bumaba na po kasi sa 5.6 ang fbs ko,,,dati po ay 5.7

  27. 62

    Doc, non nanhanak po ako noon Aug 2015, pq anak qo poh,, nconfine ako kz ng by hypertension ako,nlamn po kea DW po ntaas bp ko kz me kidney problem DW po ako, kea po nq qqmot ako, mga ilng bwan ppayat na po ako ng papayat at unq bnda ibaba ng binti ko bangitim,noon buntis po ako ng pa fasting po ako for blood sugar,ok namn dw po sb ng ob ko,,pocble po ba diabeties eto

    • 63

      Kung gusto po ninyong malaman kung may diabetes kayo ngayon, kailangan pong ipaulit ang fasting blood sugar. Sana po regular kayong magpatingin sa doktor para maging controlled ang blood pressure ninyo. Nakakasira po kasi ng bato kapag mataas ang BP.

  28. Manelly ubod
    64

    Doc. Ako. Po tumaas po yung sugar ko nung buntis ako. Nungnagpatest po ako glucose .. May possibility po ba yung baby ko may diabetes .. Anu po symptoms po sa baby ng diabetes tnx po..

    • 65

      Hindi naman po dahil may diabetes ang ina ay may diabetes na kaagad din po ang baby sa sinapupunan. Pag pinanganak na po ang bata, make sure lang po na normal weight siya habang lumalaki para lesser risk magkaroon ng diabetes.

  29. 66

    Good day po! Doc ako po ay nakakaramdam ng pangangati s ktawan tuwing gabi at mnsan prang may tumutusok sa mga paa ko at nilalanggam din po ang aking underware at gutom din po ako madalas msakit din po ang aking mga katawan hndi ko po alam baka sa pagod lang.posible po ba na maging Possitive ako sa diabetes..

    • 67

      Posible po. May tag line nga po dati tungkol sa diabetes – Buti pa ang langgam, alam. Pa-check na po kayo kaagad sa doktor.

  30. 68

    Dokbru good evening isa po aqong may daibetes.lagi q po chenicheck ung blood sugar q gamit ung monitoring system.ngaun po ay nsa 215 minsan po inaabot ng 300 + khit my iniinom po aq gamot ung daimicron and miformen.saka ngaun po nramadaman q ung pamamanhind ng aking mga kamay at sakit sa mata.komplikasyon na po ba ito ng daibetes?at ano pa po ba maaring maramdaman pag tumaas ang blood sugar.?tnx po god bless

    • 69

      Yung pamamanhid ay puwede pong komplikasyon sa mga nerves na po ng diabetes. Masyado po kasing mataas pa rin ang blood sugar ninyo. Please follow up with your doctor.

  31. 70

    Ung panga2ti ng pwerta at pamamanhid ng mga paa possible po b diabetic un,lagi po ako ngugutom pero my sakit po ako gerd,Hindi kaya dahil lng don?

    • 71

      Ang pangagati ng puwera at pamamanhid ng paa ay puwedeng dahil sa diabetes. Magpakuha po ng fasting blood sugar at magpatingin sa doktor.

  32. 72

    dok mataas po ang blood sugar ko at meron po akong hadhad sa singit sintomas po b ito ng diabetes?

  33. Krisha torio
    74

    Pano po pag may pigsa sa paa at lumubo po yung paa , diabetes po ba ito ?

    • 75

      Kung may family history po ang pasyente ng diabetes at kung parating may pigsa, o may mga sugat na matagal bago gumaling, mas maganda po magpacheck ng FBS para makasigurado kung may diabetes o wala.

  34. Lorena Bailon
    76

    Dr. Nag pacheck po ako ng ihi nag positive po ang sugar ko tapos nararanasan k din ung pangangati ng pwerta at mahapdi po sya pag naghuhugas ako at nanlalabo din po ang paningin ko at madaling mangalay ang braso at binti ko manhid po at d k mailakad.. ano po ang mainam na solusyon upang mawala ito salamat po.

    • 77

      Bukod po sa diet and exercise, kailangan pong magpatingin sa doktor para mabigyan ng gamot kung maconfirm na diabetes ito.

  35. 78

    Doc bakit po kaya sa gitna ng dila ko palaging parang nanunuyo.lalo na po pag nakainom ako ng soft drinks mga juice or kaya mga kendi parang nanunuyo po yung gitna ng dila ko.ano po kaya ito?

  36. 80

    ,pag p0 ba ginuguyam ang ihi 0r panty mai diabetes na?

    • 81

      Kung may langgam po kasi ibig sabihin may matamis sa panty. Nagkakaroon po ng asukal sa ihi kung sobrang taas na ng asukal sa dugo at diabetes po iyon.

  37. 82

    hi dok ung asawa q po 28 years old, lge po sya kapos sa pghinga, masakit ang likod, pnpawsan ng mlmig at nanga2lay paa at kmay,ok nmn result nya ng ecg, xray at 2d echo, , maari po bng diabetic
    , pnapaulit po kc ng doctor nya ang ecg at xray.

    c sya?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.